Epilogue

1.5K 31 1
                                    

"Mom, what are we doing here? What do you call this place again? Isla Berde?"

My mother chuckled at my remarks. I'm not trying to be funny here, why is she laughing anyway?

"Oh, son. Isla De Verde ang pangalan ng isla na ito. Dito nakatira ang Papa mo noon bago kami nagkakilala. He's once a tour guide of every tourists."

Nakita kong lumapit si Adonis sa aking direksyon. Kasalukuyan itong may hawak na salbabida at malaki ang ngiti sa kan'yang mga labi.

"Alon, tara na! Sayang ang bagong bili kong swimming trunks kung hindi ko bibinyagan!" Humalakhak ito at binati ang aking ina.

"May usapan pala kayong maliligo sa dagat?" My mother turned her attention to me.

I pursed my lips. I didn't really agreed on Adonis' decision to bathed on the sea. Mapilit lamang talaga ang pinsan ko kaya wala na akong pagpipilian pa.

If only Luna is here, I bet she would gladly listen to everything that I'm going to say. She's my best friend. Malapit na magkaibigan ang aking mga magulang at ang kan'yang ina.

Siya lang din ang hinahayaan kong makalapit sa akin bukod sa mga pinsan ko. Oh, and also Nicolai. Nicolai is one the son of one of my Dad's agent. Yes, aside from owning a lot of companies and properties, may pinamumunuan din si Papa na isang agency. I mean, he's the owner of that agency but he's not the one who handles the agency, personally. May inatasan siyang mamahala rito.

When I was younger, nakitaan na kaagad ako ng disinterest sa mga bagay na tulad ng pakikihalobilo sa ibang tao. I'm not really good at making friends. I have my own world that revolves about science. Mas gugustuhin ko pa na magbasa ng makakapal na libro tungkol sa siyensiya kaysa maglaro unlike my other cousins who enjoys a lot.

Kung hindi dahil kay Luna ay baka tuluyan na nga talagang hindi naging maganda ang daloy ng kabataan ko. She saved me and I owe her a lot for that. But I was more afraid when I learned that she almost died because of me. I blamed myself for what happened to her.

Ever since that day, I promised to myself that I'll always protect her no matter what. I can't lose the only person that I had beside me. Hindi naman sa bawat oras ay kasama ko ang mga pinsan ko dahil may sariling buhay ang mga ito.

Nagpaalam na kami kay Mama at agad nang nagtungo sa dalampasigan. Sikat na sikat ang araw at napakagandang pagmasdan ng dagat. May one week vacation si Papa kaya napagpaplanuhan niyang dito kami ngayon magbakasyon.

"Yana! Yana! Tama na!"

Hindi kalayuan ay napatigil ako sa paglalakad dahil sa naririnig na tawanan. Nasa likod ko si Adonis at narinig ko pa ang pagre-reklamo nito dahil sa agaran kong pagtigil sa paglalakad.

May tatlong batang babae ang naglalaro at nagtatampisaw sa tubig. Siguro ay nasa tantya ko mga walong taon lamang ang edad nila. Sampung taong gulang ako noong masilayan ko ang magaganda niyang mga mata at ang maliwanag niyang ngiti na tila ba sumasabay sa kagandahan ng dagat.

"What's her name?" I asked Adonis while pointing at the little girl with ocean blue eyes. She's the one who squealed earlier. Nagbabasaan kasi ang mga ito sa dalampasigan.

Inakbayan ako ng aking pinsan at bahagyang tumawa.

"What so funny, Adonis?" Masungit kong sinabi sa kan'ya.

"Kung hindi ko lang alam na mas gusto mo ang siyensiya kaysa sa ibang bagay ay iisipin ko nang may gusto ka sa batang babae na 'yon, Alon." aniya.

I looked at the girl's direction again. I just really can't take my eyes off of her. She has this ocean eyes that can make you stop on your track or whatever you're doing. Her smiles and laugh is just so fascinating to look at as well.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon