Chapter 21

708 15 0
                                        

Napatingin kami sa papalapit na yabag at isang maganda at sopistikadang babae ang lumapit sa table namin. I somehow felt that she's kind of familiar. Saan ko nga ba siya nakita? Hindi ko lang matandaan pero sigurado akong nakita ko na siya!

"Jude!" She exclaimed as she attacked Alon for a hug.

Hindi ko alam kung bakit gano'n na lamang ang sakit na nanuot sa kaibuturan ng aking dibdib. I can see how happy Alon when she saw the girl. Agad namang pumasok sa isipan ko ang imahe noong nasa bar kami ni Felice para mag-celebrate ng pagtatapos namin sa Senior High. She's that girl! Alon's childhood friend!

I haven't seen her up close just like this. Ngayong natititigan ko siya sa malapitan ay tila ba nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. Kahit kailan ay hindi ako naging kumpyansa sa aking sarili. I maybe tough and stubborn but I've never boast anything about myself. Not even my achievements that I claimed every year because of studying. I never chin up to the world and walk like I'm a queen. I always looked down to myself and remained my head bowed down.

"Luna, I'm glad you came here!" Niyakap siya ni Alon pabalik.

Tumayo ako at inusod ang aking upuan sa tabi ni Adonis para bigyan sila ng mas malaking espasyo. Hindi ko kaya 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon. Nanghihina ako at nanlulumo. The image of them kissing at the bar flashed on my mind again. Damn it!

"Ayos ka lang ba?" Binaling ko na lamang kay Adonis ang aking tingin. He looked like he just saw a ghost. Kanina pa ang ganitong ekspresyon niya simula nang makarating siya rito. He looked really baffled of something.

"No... It can't be. She isn't alive! Maybe I'm just hallucinating again." aniya. Napakunot ang aking noo sa sobrang pagtataka. Who's alive?

"Who are you talking about?" takang taking ko sa kan'ya. He looked at my direction and was about to speak when someone interfered.

"She's my date, why are you with her?" Madilim ang mga matang tumingin si Alon sa kan'yang pinsan. Napailing-iling nalang ako. Nakita ko naman ang masamang tingin sa akin ni Luna. What's up with her anyway? I didn't even do something wrong.

"Oh, give me a break, Alon. My mind is blowing up, if you may excuse me because I don't really feel well..." ani Adonis at tumayo na para makaalis sa table.

"What's with him?" Agamemnon asked. But we all just shrugged I'm return. Mukhang may nangyari kay Adonis habang papunta rito sa mansion ng mga Fortalejo. Ano naman kaya 'yon?

"Anyway, Jude, can you tour me around? We're still so little the last time I've been here," ani Luna at agad na inilingkis ang mga kamay sa braso ni Alon.

The excruciating pain stabbed my chest so bad. Why do I need to feel this way? Is this what I could receive in return after loving him? Muli akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib. Gusto kong magsalita pero parang may bikig sa aking lalamunan.

Oo nga pala. Wala kaming relasyon. Hindi pa rin siya nanliligaw sa akin. He told me that I should reject Harvey so he could court me when we head back to Manila. Naalala kong lasing nga pala siya noong mga panahong 'yon kaya bakit pa ako umasa? I hurt and lose Harvey just for what? For this kind of unbearable pain in my chest?

Alon looked at me. His intense dark stares is looking right into my ocean eyes. What now? You'll miss again in front of me? Gusto kong sabihin 'yon sa kan'ya ngunit wala akong lakas ng loob at karapatan. At isa pa, kaarawan niya ngayon. Maraming paparazzi sa paligid. Ayoko namang gumawa ng kahit anong eskandalo at ma-feature sa isang newspaper.

"Can I tour her around?" He asked me. Bakit kailangan mo pa akong tanungin Alon? Tangina mo naman e. Marunong ka naman sanang makaramdam! I'm hurting here and you still have the guts to ask me that? Gusto ko siyang sabunutan pero naramdaman ko na ang pangingilid ng luha sa mga mata ko kaya agad na akong tumango.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon