Special Chapter

1.4K 20 2
                                        





"Momma!"

"Aether don't run!" Binuhat ko ang anak ko at agad na hinalikan siya sa kan'yang pisngi. Bahagya itong tumawa. He's so adorable!

"Where's your twin?"

"Momma, I'm here." I heard Hemera's voice. Lumapit ito sa direksyon ko at nag-angat ng tingin sa akin.


"Are you guys ready? We will visit someone first before we go to Daddy's laboratory."

"Who's that someone, Momma?" Aether asked.

"You'll know later, Baby. Let's go." Ibinaba ko si Aether at hinawakan silang pareho sa kamay at lumabas ng bahay.

We've decided to live in Alon's house here in Isla De Verde. Napag-alaman ko rin na kaya niya ipinatayo ang bahay na 'to ay dahil na rin sa akin. I was so touched when he told me that. Fortalejo really got a sweet tongue.

Bumyahe kami patungong West Island. Taliwas ito sa Isla Portugal dahil ang West Island ay katapat ng Isla De Verde sa gilid na bahagi.

Nang makarating doon ay nagtungo kami sa isang coffee shop na gawa sa vintage bricks at glass wall.

Agad kong nakita ang hinahanap ko kaya nagtungo ako sa direksyon niya.

"Oh my God! Is that Aether and Hemera? They look so cute and adorable!" aniya.

I chuckled. "Yeah."

Umupo ako at inalalayan ko rin na maupo ang mga anak ko sa dalawang available seats sa aking tabi.

"By the the way, here's your request."

Inabot niya sa akin ang librong matagal ko nang hinihintay. Kinuha ko 'yon mula sa kan'yang pagkakahawak at napangiti ng malapad. I can't believe it! Our story is now written in pages!

"Jesus! Thank you so much, F—" she immediately cut me off.

"Nope. Don't mention my name. Let me introduce myself after I'm done writing my own story with him." Kumindat ito sa akin.

"You sure? I thought he doesn't know your location up until now?"

"Yeah, he still don't know. Hayaan mo siya. Kaya ko namang mabuhay ng mag-isa. Kasama ko naman ang anak ko e. Sapat na sa'kin 'yon." She said.

"I'm happy for you. You've gone through hard times alone..."

"Yes. I believe you still have to meet someone after me?" Ngumiti ako sa kan'ya at bahagyang napatawa.

"Actually yeah."

"Then, let me bid my farewell with these adorable twin of yours. I'll introduce my son to you when the right time comes, Oceane." Hinalikan niya sa pisngi ang mga anak ko.

"I'll be looking forward to that, then."

Tumayo na ako at nakipag-beso sa kan'ya. May laptop siya sa kan'yang harapan at mukhang abala pa rin sa pagsusulat.

"We'll be leaving now." Paalam ko.

Bago ako tuluyang lumabas ng coffee shop kasama ang mga anak ko ay sinulyapan ko pa siyang muli. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Ipinagmamalaki ko siya.
Nakangiti kong nilisan ang lugar para puntahan na ang asawa ko.

---

©OceanusZab

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon