"Nay, malapit na ang pasukan. Kailangan ko na po mag-enroll." untag ko habang tinutulungan siya sa pag-aayos ng mga dadalhin maya-maya sa bayan para maibenta.
"Oo nga pala! Mamaya sa bayan, ie-enroll na kita." sabi niya.
Bigla ko naman naalala na sabay nga pala kami ni Yana na mage-enroll. Tsaka may trabaho si Nanay kaya hindi pwedeng iwan niya ito para i-enroll ako.
"Hindi na po, 'nay. Magkasama po kami ni Yana na mage-enroll."
"Gano'n ba? Sige. Ibibigay ko nalang sa'yo ang mga requirements para makapag-enroll ka kahit na ikaw lang." saad niya kaya malawak akong napangiti at tumango.
"Sige po, nay. Salamat!"
Matapos siyang tulungan ay agad na akong lumabas ng bahay para pumunta sa pier. Alam kong sa mga oras na ito ay naghahanda na si Tatay at ang ibang mangingisda na pumalaot. Alas sais pa lamang ng umaga kaya hindi pa gano'n kainit. Bagkus, bitamina pa nga para sa katawan ang makukuha sa pang-umagang araw.
"Tay..." lumapit ako sa kan'yang p'westo.
"O, anak!" bumaling ang atensyon niya saakin mula sa pag-aayos ng lambat na gagamitin mamaya. Hindi gaya ng ibang mga tao sa ibang parte ng bansa na gumagamit ng dinamita para mangisda, sa Isla De Verde ay wala. Kahit naman gipit ay hindi naisipan ng mga tao rito na gumamit ng dinamita para makarami sa panghuhuli ng isda.
Dahil din dito ay na-maintain ang kagandahan ng dagat. Tulong-tulong din ang mga residente ng baryo sa paglilinis ng isla kaya napaka-puti ng buhangin at walang kahit anong kalat na makikita. Kaya nga maraming turista ang bumibisita't nagbabakasyon dito kapag summer. Napakaganda kasi talaga ng Isla De Verde na kahit akong matagal nang nakatira rito ay namamangha pa rin.
"Felicio!" Pagtatawag ng ilang kaibigan ni Tatay sa kan'ya. Mukhang kailangan na nilang umalis.
"Mauuna na ako, 'nak. Mag-iingat kayo ng Nanay mo sa byahe patungong bayan, ha?" anito kaya ngumiti ako at tumango.
"Opo, 'tay. Mag-iingat din po kayo!"
Inalis na nito ang pagkakatali ng kan'yang bangka sa makapal na kahoy at itinulak ang bangka sa dagat. Rinig ko ang tunog ng makina nito habang palayo ng palayo. Umalis lamang ako ro'n ng hindi ko na sila matanaw. Sumikat na rin ang araw na tirik na tirik.
Napangiti ako. Napakaganda talaga ng araw lalo na kapag tumatama sa malinaw at malinis na dagat ng Isla De Verde. Kumikintab ito sa kagandahan!
Bumalik na ako sa bahay para makaligo at makapag-ayos na. Si Nanay naman ay pinuntahan na si Aling Pacita na matalik niyang kaibigan. Sila ang laging magkasamang pumunta sa bayan at parehas na nagbebenta. Matalik din na kaibigan ni Nanay ang ina ni Yana kaya simula ng mamatay ang huli, ilang buwan na nagluksa si Nanay. Para na rin kasing magkapatid ang turingan ng mga ito sa isa't isa gaya namin ni Yana.
Nang matapos sa pag-aayos, lumabas na ako at pinuntahan ang bahay nila Yana. Kinatok ko ito.
"Yana! Gumising ka na at mage-enroll pa tayo sa bayan!" sigaw ko. Patuloy ako sa pagkatok.
Ilang sandali pa ay bumukas ito at lumabas ang nakabusangot na si Yana. Medyo magulo pa ang ayos ng buhok nito at mukhang hindi pa nakakapag-sipilyo. Halatang bagong gising.
"Ang aga-aga nambubulabog ka, Cean!" busangot na aniya. Tinawanan ko lamang siya at pumasok sa loob ng bahay nila na tila ba pagmamay-ari ko ito.
"Wow ha, bahay mo? Feel at home ka, 'te?" aniya at kinusot ang mga mata.
"Ang baho ng bibig mo!" malakas akong tumawa.
"Duh, bagong gising ako 'no! Parang hindi mabaho ang bibig mo kapag bagong gising, ah?"
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.