Chapter 17

781 24 1
                                        


Playlist: Terrified by Katherine Mcphee.

Nagulat ako dahil pagdating namin ni Felice sa restaurant no'ng unang araw ng summer ay nasa pintuan sila Adonis, Agamemnon at Alon.

Come to think of it. Ngayon ko nalang muli nakita at nasilayan ang pagmumukha ni Adonis. Ever since that Yana died, I haven't seen him for I don't know how many months. Hindi na kasi ito sumasama kay Alon tuwing nagpupunta sa Isla ang huli.

Ang huling punta yata niya sa Isla ay noong araw na 'yon. The day that Yana fell into the ocean. He even go after Yana but to no avail, he didn't found Yana's body. Hindi ko alam kung ano na nga bang ganap sa kan'ya ngayon. But by the way he looks like now, he seemed so fine. I guess, he isn't affected after all? Or maybe he's just trying to suppress it?

Nagulat ako ng biglang may isang bulto ang humarang sa harapan ko. Tiningala ko ito dahil sa taglay niyang katangkaran. I saw Alon's intense dark stares. Mukhang galit ito. Unang araw ng summer ganito ang ekspresyon niya?

"Ano na namang trip mo, ha? Tsaka bakit nandito kayong tatlo?" tanong ko sa kan'ya. Sarado pa ang restaurant dahil wala pa ang oras ng pagbubukas nito. Masyado lang talaga kaming napaaga sa pagpunta rito.

"We're going to work too." tipid at masungit niyang tugon.

"And why is that? You're already wealthy enough and you don't have to work—" Pinutol niya ang iba ko pang sasabihin.

"Oh, shut it, Oceane. We'll help you. I know you need to save money for your family. Just... Just let me help," aniya at napahilamos sa mukha. Natigilan ako.

Hindi ko inakalang handa silang tulungan ako. Ayaw na ayaw ko ang kinakaawaan ako pero mukhang wala naman sa intensyon nila 'yon. Their intension was pure. It's a helping hand.

Nakaramdam ako ng mainit na haplos sa aking puso dahil do'n. I don't know how to express my gratitude towards these people. After all, they're still nice. I can't help but to release a small smile on my face.

"Thank you."

He arched his brow at me. Napaka-atittude talaga ng lalaking 'to. Hindi nalang sabihin na 'You're welcome, Oceane.' Dami talagang alam sa buhay. Malamang Oceane, BS Psychology ang kurso n'yan e. Matalino talaga 'yan kahit 'di mo na tanungin.

"I shouldn't have brought Adonis here if this is the case. Tsk." anito na narinig ko naman.

"At ano namang kinalaman ni Adonis dito?" Takang tanong ko sa kan'ya. Napaka-wala talaga sa hulog ang utak nito minsan e.

"You keep on looking at him while I'm busy staring at you! And I can't still forgot that oh, you love my cousin." Tinalikuran ako nito at nakapamulsang bumalik sa tabi ng dalawa niyang pinsan.

What? But that was years ago and it's just a joke! I don't love Adonis. I don't even have a feelings for him. Bakit ba napakamanhid mo, Alon? Sarap mong sakalin!

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Kuya Renz at Ate Polly na mukhang umiyak magdamag dahil magang-maga ang mga mata nito. I wanted to go near her and ask what happened pero mukhang hindi 'yon tama. I'll just ask her later. After all, I'm concerned and worried about her. She's like a sister to me ever since I started working here.

"Mukhang mapaparami ang customer nating mga babae nito, ah." Natatawang ani Kuya Renz habang tinitignan ang tatlong magpi-pinsan na kung AKALA mo ay isang modelo sa mga sikat na magazine. Ang unfair ng buhay 'no?

Mukhang tama nga si Kuya Renz. Dahil habang nagtatagal na nagse-serve kami sa mga customer ay may pumasok na grupo ng mga babae. Most of them are wearing dark shade of make ups. Nagmumukha silang mga payaso.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon