Playlist: Thunder by Boys Like Girls.
"Hey, Mom."
Nasa labas na ako ng Airport ngayon. Kadarating ko lang din kasi at tsaka siksikan ang mga tao sa loob ng Airport. I decided to sit on one of the benches near the vending machine.
"Hey, sweetie. Magpapasundo ka ba? Manong Edgar is here so just tell me if—" I cut her off.
"No, Mom. I'm fine. I can take a cab. Besides, baka kailanganin mo si Manong Edgar d'yan at may biglaan kang pupuntahan." I told her.
"Are you sure?" Paninigurado niya pa.
"Yes, Mom. I got to hang up now. Bye."
Napahinga ako ng malalim at tumingin sa vending machine na katabi ko lang. I decided to put a coin on the hole and choose a drink.
It's been so long since I last set my foot in the Philippines. Nakaka-miss ang simoy nang hangin dito. Ang halo-halong amoy ng mga usok sa pabrika, mga transportasyon at sa mga taong nagsisiksikan sa paligid.
I gulped down the water. Muli akong naupo sa upuan at napatingin sa relong pambisig. It's already 10 o'clock in the morning. Pawisan na rin ako dahil sa sobrang init. Mukhang hindi na nga talaga sanay ang balat ko sa init.
Ilang minuto pa ang itinagal ko roon sa pag-upo hanggang sa makakita ako ng taxi sa hindi kalayuan. I heaved a deep sigh as I started walking just to approach it.
"Hi, Manong." bati ko sa driver habang hila-hila ko ang bagahe sa aking likuran.
Sumilip ito sa kan'yang bintana at agad na napalabas ng taxi.
"Sasakay ho ba kayo, Ma'am? Pasens'ya na po pero may nakauna na—" he was cut off by a voice inside the cab.
"No, it's okay. She can ride with me." ani isang malalim at baritonong boses ng lalaki.
Nakangiti akong tumingin kay Manong. I can't really bear the heat of the weather. Hindi na ako sanay sa ganitong klase nang temperatura.
"Sige na po, Manong. Pumayag na si Kuyang pasahero mo oh," Pangungumbinsi ko pa rito. He scratched the back of his head and nodded.
"Maraming salamat, Manong!" I squealed like a teenager.
Kinuha nito ang luggage ko at inilagay sa compartment ng kotse. Binuksan ko na rin ang pintuan sa backseat at agad na naupo. Ang taong nagsalita kanina ay nasa passenger seat kaya naman hindi ko makita ang itsura nito.
Hindi ko na lamang siya pinansin ngunit magiging bastos naman ako kung hindi ko siya pasasalamatan 'di ba?
"Thank you." Tipid kong sinabi rito.
Napuno kami ng katahimikan bago nito napagpasyahang magsalita.
"You're welcome." Malamig na sinabi niya.
Pumasok na si Manong sa loob ng cab matapos ilagay ang mga gamit ko sa compartment. Napasandal naman ako sa upuan. Kahit papaano ay nakahinga rin ako ng maluwang dahil air-conditioned ang sasakyan.
I'm sweating bullets!The car drove away from the airport. Walang ingay ang nagaganap sa loob ng cab. Tanging ang tunog lamang ng stereo ang maingay. Bigla akong nakaramdam ng antok pero agad kong pinigilan ang sarili.
I can't sleep on a taxi! Malay ko ba kung saan ako nito dadalhin kapag nakatulog ako? Mamaya ay mga holdaper pala ang mga kasama ko rito o kaya naman ay miyembro ng terorista? I know it's just rude to judge other people but I'm just saying the possibilities.
At dahil hindi ako pwedeng matulog ay inabala ko na lamang ang aking atensyon sa cellphone. I started scrolling on my Instagram account. But to no avail, agad din akong na-bored matapos ang ilang minuto.

BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.