Chapter 37

685 14 3
                                    

Playlist: You Are More by Tenth Avenue North.

Kasalukuyan akong nakayuko sa lamesa nang dumating si Aling Pacita at may dalang lutong ulam. I can still feel how my heart beats erratically fast because of what happened earlier. Why am I dwelling about it anyway? We're done a long time ago. Mas mabuting umusad na lang kami pareho sa mga buhay namin.

"Ayos ka lang ba, Oceane?" tanong ni Aling Pacita habang nagsasandok ng kanin para sa aking plato. Kaya ko namang gawin ito ngunit sadyang mapilit ang huli. She wanted to at least serve me which I think is not necessary. Pero hinayaan ko na lamang siya.

Nag-angat ako sa kan'ya ng tingin at bahagyang ngumiti.

"Ayos lang po ako, Aling Pacita..." Kahit papaano ay nawala ang atensyon ko sa nararamdaman nang makita ang paborito kong ulam.

"Ang tagal na rin simula nang makatikim ako ng Kaldereta!" Natutuwang ani ko at agad na nagsimulang kumain matapos magdasal.

Sabay kaming kumain ni Aling Pacita sa hapag at nang matapos ay may kinuha itong papel sa bulsa ng kan'yang suot na daster.

"Ano po 'yan, Aling Pacita?" kuryoso kong tanong sa kan'ya.

She shove the paper in my front. Agad ko itong kinuha sa lamesa at binuksan.

"May thanksgiving na magaganap bukas ng gabi ayon kay Mayor. Imbitasyon 'yan at gusto ko sanang ikaw ang dumalo para sa'kin," aniya. Nangunot naman ang noo ko.

"Thanksgiving? Para saan daw?" I read what's written inside the paper. Nakasulat doon ang eksaktong oras kung kailan magsisimula at matatapos ang Thanksgiving.

Naroon din ang iba pang detalye ukol sa nasabing event ngunit hindi ko na ito binasa at pinasadahan na lamang ng tingin. Agad ko itong ibinaba sa lamesa at diretsong tumingin sa matanda.

"Simula noong umalis ka, nagkaroon nang mga pagbabago rito sa baryo. Ayon kay Mayor ay gaganapin na ang Thanksgiving bawat taon para magpasalamat sa mga residente at staff ng baryo sa pagpapanatili ng kagandahan nitong Isla at pagtutulungan. Isa na rin itong kasiyahan para sa bawat isa."
Mahabang paliwanag ni Aling Pacita.

"Kailangan po bang pormal ang damit na susuotin?" tanong ko sa kan'ya.

"Oo, hija. Sa pagkakaalam ko pa ay may sayawan din na magaganap at kinakailangan na may kapareha kang kasama," aniya. Sumandal ako sa upuan at napaisip. Sino naman ang pwede kong gawin na partner sa Thanksgiving? Wala naman akong ideya!

"Naku, Aling Pacita. Pasens'ya ka na pero hindi ako makadadalo sa event na 'yan! Wala akong madadalang partner." Ngumuso ako habang nakatitig sa invitation.

"Ano ka ba? Pwede mo naman imbitahan si Gabo!"

"Gabo? Yun bang anak ni Aling Merciang?" Kumunot ang aking noo. Hindi naman kami close ni Gabo pero mabait naman itong tao. Siya ang laging kaagapay ni Aling Merciang sa pagtitinda.

Tumango ito habang may malawak na ngiti sa akin.

"E, paano naman kung may partner na 'yon, Aling Pacita?" Pagbabaka sakali ko pa. It's not as if I'm thinking of someone I know. It's just that, I'm thinking of any possibilities! Argh, get a hold of yourself, Oceane. Don't go too far.

"Bakit, hija? May gusto ka bang yayaing maging kapareha mo sa Thanksgiving?" Sumilay ang isang nanunudyong ngiti sa mga labi ni Aling Pacita dahilan para mag-init ang buong mukha ko sa hiya.

"W-Wala po! Nagbabaka-sakali lang kasi ako Aling Pacita na baka may partner na si Gabo..." tugon ko rito.

"H'wag kang mag-alala. Nakausap ko na siya kanina at sinabing papayag daw siyang maging kapareha mo. Kailangan ko nalang ilista ang mga pangalan niyo sa listahan doon sa Baranggay Hall." aniya. Tumango ako sa kan'ya at nagpasalamat.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon