Pumayag sila Nanay na magtungo ako sa Maynila para mag-aral sa unibersidad. Advantage na rin kasi na wala na kaming babayaran pa. Libre na ang tuition fee at ang school uniform. Pero kahit gano'n, kailangan ko pa rin maipasa ang entrance exam para sa scholarship.
Nagsimula na ang summer. Sa susunod na pasukan ay Grade 12 na kami ni Yana. Pero wala na ako rito. Ayon kasi sa Principal noong makausap ko siya na pumayag na sila Nanay, tsaka pa raw ako luluwas ng Maynila bago magsimula ang pasukan. Tsaka nakadepende pa rin naman daw saakin kung gugustuhin kong lumuwas ng maaga para mas maging pamilyar pa raw ako sa mga lugar do'n sa Maynila. Pero tumanggi ako.
Gusto ko kasing sulitin ang dalawang buwang summer na 'to para makasama pa ang pamilya ko at si Yana. Kaya ngayon ay napagdesisyonan namin na maligo sa Los Angelito Falls. Alam kong masama ang huling alaala ko sa pagpunta namin do'n pero wala naman akong magagawa dahil ginusto ito ni Yana at gusto ko siyang pagbigyan kahit sa ganitong bagay lang.
"Saan na ang extrang damit mo?" Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng kan'yang buhok habang nakaharap sa salamin.
"Nandito sa bag. Wala ka bang balak magdala ng extrang damit? Tsaka pupunta pa tayo sa High Tower, alangan naman na maglakad ka habang basa ang katawan mo?" Kumunot ang noo ko habang pinapanood ang bawat kilos ni Yana.
Tumawa siya dahil sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa?"
"Wala naman. Natatawa lang ako sa itsura mo, Cean. Ang pangit mo mapikon!" Humagalpak ito ng tawa at naiiling na inilapag ang suklay sa kan'yang bed side table.
Inirapan ko siya.
"Grabe ka! May maganda bang napipikon?"
Ngumisi ito bago iflinip ang kan'yang buhok.
"Syempre, ako."
Napangiwi nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Baliw talaga si Yana. Wala nang nakapagtataka ro'n.
Lumabas na kami ng bahay nila. Wala si Tito Vito dahil magkasama sila ni Tatay na pumalaot kaninang umaga. Medyo nag-aalala na nga ako dahil halos araw-araw nalang na pumapalaot si Tatay. Matutulog ng maaga at gigising din ng sobrang aga para mamalaot. Minsan pa ay kulang siya sa pahinga sa sobrang subsob sa pagtatrabaho.
Hindi na tuloy ako makapaghintay na makapagtapos ng kolehiyo para matulungan sila sa paghahanap buhay. Sa totoo lang kung may trabaho lang ako ay matagal ko na silang pinatigil ni Nanay sa pagtatrabaho. I can't bear seeing them suffer and work too much. Lalo pa at tag-init ngayon. Usong-uso ang heatstroke. Ayoko naman na mangyari sa kanila 'yon. Wala kaming pera pampagamot.
"Oh, Oceane, Yana! Saan kayo pupunta at parang bihis na bihis kayong dalawa?" Tanong ni Aling Pacita nang makita kami ni Yana na kalalabas lang sa bahay nila.
May hawak na batya si Aling Pacita at puno ito ng mga isda na may malalaking tipak pa ng yelo sa itaas para hindi ito magmukhang lamog dahil sa sobrang init. Hindi kasi mabenta ang isda kapag hindi na presko. Kaya hangga't maaari ay pinapanatili nila ni Nanay na presko at mukhang bagong huli ang mga isda.
"Maliligo lang po kami sa dagat, Along Pacita!" Tumawa si Yana.
Nanatili naman akong tahimik sa tabi niya. Tumaas ng bahagya ang kilay ni Aling Pacita.
"Kapag gan'yan ang rason niyo, hindi ko naman kayo kailanman nakitang naliligo sa dagat, Yana." Mapanuri ang tingin nito sa aming dalawa. Agad akong napalunok sa kaba. Baka magsumbong ito kay Nanay!
Napakamot ako sa batok.
"Aling Pacita, h'wag niyo po sasabihin kay Nanay na sa Los Angelito Falls talaga ang punta namin. Ang paalam ko sa kan'ya ay sa dagat lamang kami maliligo ni Yana..." Ngumiti ito sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/263520422-288-k629568.jpg)
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomansaForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.