Playlist: Drowning by Backstreet Boys.
Namangha ako pagpasok namin sa loob ng resr house nila Agamemnon. Sumisigaw ng karangyaan sa buhay ang loob ng rest house ngunit ang mga disenyo nito ay makaluma. The walls were painted of brown and white.
There is also a big antique clock hanging on the wall. I looked at the middle of the rest house, there's a hallway and two paths. Makikita mo sa hindi kalayuan ang banisters at ang hagdanan. Parang mansion sa laki ang rest house nila!
"Ang yaman niyo naman..." Namamanghang sinabi ko. I can't believe I've set my foot in this kind of place! Pakiramdam ko tuloy ay dumi lamang ako sa nakakalulang bahay na 'to o kung matatawag mo pa nga bang bahay ito sa sobrang laki.
"I'm not rich, Oceane. Just my parents," ani Agamemnon. Napatango nalang ako upang sang-ayunan ang kan'yang sinabi. Kahit pa sabihing ang mga magulang niya ang mayaman, siya pa rin naman ang magmamana nito kung sakali.
"Nasa taas ang mga kwarto at guestrooms. Maid's quarter lang ang nandito sa baba." Dagdag pa niya.
I was about to grab my thing when Alon picked them up. He effortless carry them all. Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang bahagyang pang-igting ng kan'yang braso dahil sa ginawang pagbu-buhat ng mga gamit ko. Damn.
"Stop staring, I might melt like an ice cream, Babub." aniya at lumingon sa direksyon ko na bahagyang nakanguso upang itago ang kan'yang mga ngiti. Inirapan ko siya.
Nauna na akong maglakad paakyat dahil ayokong makita niya ang pamumula ng aking mukha. Bwesit talaga 'tong Alon na 'to e. Kotang-kota na si kupido sa'kin ah.
Napahinto ako dahil hindi ko alam kung saang kwarto ba ako papasok nang marinig ko ang boses ni Alon sa likod ko.
"Turn right, 4th door."
Sinunod ko ang kan'yang sinabi kaya lumiko ako pakanan at hinanap ang pang-apat na kwarto. Nang mahagilap 'yon ay agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang malinis na kwarto. The walls were painted with the color of ocean blue. Napangiti ako. I suddenly miss ocean even though I hated it.
"Why is this room painted with ocean blue?" tanong ko kay Alon at naupo sa malambot na kama. Halos lahat ng gamit ay umiikot lamang sa kulay ng asul at puti. May painting din na nakasabit sa pader at dagat din 'yon na may anino ng isang babaeng naglalaro sa dalampasigan. Looks like the theme is summer. Sino kaya ang nagpinta n'yan?
"I don't know. This isn't my rest house anyway, this is Agamemnon's." Nagkibit pa ito ng balikat at agad na umiwas sa akin ng tingin habang inaayos ang mga gamit sa lapag.
I nodded at him, still staring at the painting. I can't understand my feelings. Bakit napapangiti ako habang nakatingin sa painting na 'yon?
"Who painted that?" Itinuro ko sa kan'ya 'yong nag-iisang painting na nakasabit sa pader.
"Me." Tipid niyang sinabi. Namilog ang mga mata ko sa gulat.
"Really?! I didn't know that!" I said. Hindi talaga ako makapaniwalang siya ang nagpinta no'n. Ang ganda kasi at pwedeng pang-commission. Kung gugustuhin niya ay pwede rin isama sa mga exhibit kung ie-expose niya ang kan'yang gawa. He has a talent.
Napatigil ito sa kan'yang ginagawa at lumingon sa akin kaya natigilan din ako. I can't read his expression again. He's just staring at me blankly.
"There's still lot of things you don't know about me, Oceane..." anito kaya dahan-dahang nawala ang ngiti ko sa mga labi. Tama naman siya e. Hindi ko pa siya gano'n ka kilala. Kaya nga iniisip ko na bakit gano'n na lamang kabilis ang tahip ng puso ko kapag siya na ang usapan? I can't determine if I simply like him or I already drowned.
![](https://img.wattpad.com/cover/263520422-288-k629568.jpg)
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.