Chapter 3

1.4K 40 1
                                        



Maaga kaming pumasok ni Yana para makapag-ayos ng classroom dahil kami ang assigned cleaners ngayong araw.

"Cean, ako na magwawalis. Ikaw nalang magpunas ng mga bintana sa labas," ani Yana kaya tumango ako at pumayag.

Kinuha ko ang baldeng may lamang kalahating tubig at binuhat. Hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang isang malinis at tuyong pang-trapo.

Sinimulan ko na ang paglilinis ng mga bintana. Para hindi dumikit ang mga alikabok sa pamunas ay ginamitan ko muna ito ng walis bago binasa ng tubig at nilinis. Matapos n'yon ay ginamit ko ang malinis na pang-trapo para tuyuin ang basang bintana.

I tested its cleanliness with my own bare fingers. Napangiti ako ng marinig ang tunog nito. Mukhang ayos naman. Gano'n lamang ang ginagawa ko ng mamataan ko ang mag-pinsan sa hindi kalayuan at mukhang sa direksyon ko sila dadaan!

Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang kabang nararamdaman ko. Dapat ay wala akong pakialam. Tama, Oceane. Wala kang pakialam kaya hayaan mo sila. Dadaan lang naman sila rito. Wala nang iba.

Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng bintana at hindi sila pinansin nang maramdaman na malapit na sila sa kinaroroonan ko. Kahit na ipinagtataka ko kung bakit sila narito dahil malayo ang building ng Senior High sa Junior High. Malaki ang school grounds kaya napaka-imposible talaga.

"Good morning, Oceane!" bati ni Adonis na may malawak na ngiti sa kan'yang mga labi.

Inirapan ko siya. Buti naman at may katangkaran din ako kaya hindi ako nagmukhang batang paslit sa harap nilang dalawa. Bakit kasi parang higante ang tangkad nila!

"Ang aga-aga masungit ka! Baka walang manligaw sa'yo n'yan ha," Pang-aasar nito. Napatigil ako sa ginagawa. Sinulyapan ko ang lalaking nasa tabi niya na tahimik lang at abala sa kan'yang cellphone. Napaismid ako.

"Close ba tayo para kausapin mo 'ko? Hindi naman, 'di ba?" mataray kong sabi. Dumarami na rin ang mga estudyanteng nakakakita sa amin pero wala na akong pake. May epal lang talaga at panira sa umaga ko.

Bago pa siya makapagsalita ay nakita ko na si Nuevo na patungo sa direksyon ko. Agad akong napapikit ng mariin. Bwesit! Wala na bang mas ikalalala pa ang araw ko ngayon?

Naramdaman ko ang presensya ni Yana sa likuran ko.

"Oceane..."

Hindi ko siya pinansin. Abala ako sa pag-iisip kung paano ko iha-handle ang mga pesteng nasa harapan ko ngayon.

"Hi, babes! Magandang umaga!" bati ni Nuevo at balak pa yatang tangkain na halikan ako sa pisngi kaya bago pa makalapit ay sinapak ko na. Mahirap na. Wala pa akong first kiss. Kung sa pisngi naman, si Yana at sila Nanay at Tatay lang nakakahalik. Pero ang ibang tao bukod sa kanila? Wala pa.

"Tigilan mo akong haliparot ka. Kalalaki mong tao ang landi mo, Nuevo! Bwesit!" inis kong sabi. Ngumuso ito. Ano ba 'yan feeling cute e hindi naman!

Narinig namin ang pagtikhim ni Wave na katabi pa rin ni Adonis na may ngisi sa mga labi. Nakakainis.

"Let's go, Adonis." As usual. Masungit pa rin ang tinig nito. Pakialam ko naman?

Sumipol si Adonis na nangingiti habang umiiling.

"Someone's pissed off..." he trailed off.

Agad na silang nawala sa paningin ko matapos no'n. Binalingan ko ang walang hiyang si Nuevo na nasa gilid ko at may nagtatanong na mga mata.

"Sino sila, Babes? Senior High na e. Kakilala mo?" Usisa niya.

Inirapan ko siya at hindi pinansin. Tinulungan ako ni Yana sa pagkuha ng mga ginamit na panglinis.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon