Playlist: When I'm With You by Faber Drive.
Nakatulala akong naglakad pabalik sa loob ng restaurant. Hindi na gano'n karami ang mga customer nang makabalik ako. Gano'n ba talaga ako katagal na nawala?
"Ayos ka lang, Cean?" tanong sa akin ni Felice habang kumakain kami dahil brunch na. Nasa labas naman ang ibang staff at nagse-serve kaya naman bibilisan lang namin ang pagkain dahil kulang na sa oras.
"Ha? Oo naman!" I said as I blinked several times. Napabuga ako ng isang marahas na hangin. I can still feel the heavy feeling in my chest. I really feel sorry for Harvey. He's a good friend of mine and all I did in return was to hurt him.
"Anong pinag-usapan niyo ni Harvey? Nakita ko kayong lumabas kanina e." She asked.
Natigilan ako at bahagyang napayuko.
"I rejected Harvey, Felice. He's so nice and kind to me and all I ever did was to hurt him in return. Am I a bad person for doing such thing?" Sinapo ko ang aking ulo at inihiga 'yon sa lamesa.
Napatigil ito sa kan'yang pagkain at muling nilingon ako.
"You rejected him? Why? Do you have someone special?" May panunudyo sa mga ngiting naka-plaster sa kan'yang labi.
"W-Wala 'no! Hindi ko lang talaga maisip na magiging karelasyon ko si Harvey kapag nagkataon. I can only see him as a friend," sabi ko.
"No. Sometimes, it's better to tell them the truth than feed them with lies, Cean. Kaya tama lang ang ginawa mo kaysa naman hayaan mong umasa 'yong tao sa wala." Bumalik ito sa pagkain. Napaisip naman ako sa sinabi ni Felice. Siguro nga tama siya.
It's better to tell him directly that I don't like him romantically than pretend that there's a chance for the two of us, right? I should stop thinking about this. I'm an optimistic person. I shouldn't let negativity take over. Right.
Hindi kalaunan ay pumasok ang tatlong magpi-pinsan na pawisan. I instantly can't take my eyes off of Alon. He's just so freaking good even he's sweating bullets! Agad ko rin namang sinaway ang sarili.
"Oh, tapos na kayo kumain?" tanong ni Adonis at agad na naupo sa katabi kong upuan ngunit hinila siya patayo ni Alon at siya ang naupo rito.
"Hoy, ako ang nauna r'yan, e!" Bumusangot ang huli at napapailing na lumipat sa upuang nasa harapan ko.
Bumaling naman si Agamemnon kay Felicity at naupo sa tabi nito.
"Ngayon lang kayo natapos?" tanong ko kay Alon.
Tanging tango lamang ang iginawad niyang sagot sa tanong ko. Agad na tumaas ang kilay ko dahil sa pagtataka.
"Why are you silent?"
"It's nothing." Masungit niyang sagot at kinuha ang pagkain ko na nakakalahati ko pa lamang ang bawas.
Agad na sumama ang tingin ko sa kan'ya at hinampas siya sa braso. That food is mine!
"Kumuha ka ng sa'yo, Alon. Akin 'yan e!"
He just lazily shook his head in return.
"I don't want to." Parang batang sinabi niya at inumpisahang kainin ang lunch ko. Bwesit na lalaki 'to.
Napabuga na lamang ako ng marahas na hininga at kumuha ng tubig mula sa malapit na water dispenser at nagsalin sa baso.
I was busy drinking my water when I felt Alon's presence beside me. Halos masamid naman ako habang umiinom. Shit, bakit ba parang kabute ang lalaking 'to?!
"Ano ba?! You're scaring me!" I hissed at him.
But the latter didn't budge. He's just looking at me with his blank expression on his face and cold stares. Wala naman akong kasalanan sa kan'ya, ah? Bakit parang galit siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/263520422-288-k629568.jpg)
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
Roman d'amourForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.