Chapter 32

1.3K 20 0
                                        

Hindi ako umalis ng Isla. Nanatili ako roon sa mga sumunod pang mga araw. I just can't bring myself to leave this house. This is where my only memory with my parents rest.

Oo nga at sinabi ko kay Ma'am Galgo noong nakaraan na babawi ako pero hindi ko pa kaya sa ngayon. I need time. I know that if I keep looking back, I could never moved on and move forward. I'll always be in the past but I'm not yet ready.

We're not going to heal if we force ourselves. You're just going to heal when you're ready to, not when other people tell that you should. Kaya hindi ko pipipitin ang sarili ko na umusad na lamang. I need to take it all slow.

Gaya ng lagi kong ginagawa ay natagpuan ko na naman ang sarili ko na umiiyak. Walang araw na hindi ko iniiyakan ang mga bagay na tungkol sa magulang ko. They're so precious to me. They're more than just mere gems. They're my life. 

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kwarto nila Nanay. When they died, I never tried to enter their room. Ngayon pa lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ang kanilang silid. Hindi ko kasi kayang harapin ang katotohanang wala na sila at hindi na muling babalik pa. Masakit. Sobrang sakit.

It's hard to accept the truth. It's more easy to accept lies than the truth itself. But it hurts to know that I can't do even just a single thing. The only choice I have left right now is to accept what really happened and moved on. But I still don't know how to start. My heart is still grieving of their lost.

The moment I entered their room, their smell immediately lingered in my nostrils. Muling bumadha ang sakit sa aking mukha at umagos ang maiinit na luha sa aking mga mata. Walang katapusang paghihirap ang nararamdaman ko.

All I ever wanted is to be all too well. Pero kapag nasa mismong sitwasyon ka na, napakahirap pala. The least thing that I've ever wanted is to see my parents lying in a coffin. All my miseries were never seen by anyone. I stood on my ground alone— while slowly breaking and trying to fix myself in the process and at the same time.

Dumiretso ako sa kama nila at niyakap ang unan na maayos na nakalagay doon. Mas lalong nanuot sa aking ilong ang kanilang mga amoy. Kumikirot ang dibdib ko sa sobrang sakit.

"Nay, sawa na po ba kayo ni Tatay na makita akong umiiyak at naghihirap dahil sa pagkawala n-niyo?" My voice broke. Walang impit sa pagluha ang mga mata ko na tila ba isang gripo na naiwang nakabukas.

Hindi ko alam pero habang yakap ko ang unan sa aking mga bisig at pakiramdam ko nasa malapit lamang sila Nanay at Tatay. I can feel them with me. They'll forever be with me now.

"I-I promise... Ito na ang huling beses na iiyakan ko k-kayo..." Isinubsob ko ang aking mukha sa unan. Mas lalo lamang akong napaiyak. Gustong-gusto ko na talagang sumuko sa sobrang sakit na nadarama ko pero hindi pwede.

Kahit masakit at nahihirapan na ako ng sobra, I need to continue living. I need to be brave. I need to be strong enough to face my silent battles alone. Mag-isa na lang ako ngayon sa buhay kaya kahit masakit ay sisikapin ko. Sisikapin kong mabuhay na walang mga taong nand'yan para sa akin. They all left me alone.

After a few while, I decided to stand up and looked inside the cabinet near me. Baka may naiwan kasing gamit dito sila Nanay. I need to keep it with me. At least I have their things.

Sa unang pagbukas ko ay wala naman 'yong laman at puro damit at shorts lamang ni Tatay. Sa ikalawa naman ay mga daster ni Nanay kaya hindi ko nalang 'yon pinagtuonan ng pansin. Hindi ko naman pwedeng dalhin ang lahat ng mga damit nila kapag babalik na ako ng Maynila.

I opened the last row of the cabinet and my eyebrows immediately creased at the sight of an old looking brown envelope. Halos mapunit na ang dulo nito ngunit mukhang na-preserve ng maayos at talagang pinaka-iingatan.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon