Playlist: Castle On The Hill by Boyce Avenue (Cover).
Kinabukasan ay maaga kaming bumalik sa university dahil tanghali pa naman ang pasok namin. Nang makapasok ako sa dorm room namin ni Felice ay naabutan ko na naman itong nagsusuka. Agad ko siyang dinaluhan at hinimas ang likod niya.
"Are you feeling better now?" Nag-aalala kong tanong sa kan'ya makalipas ang ilang segundo. Inabutan ko rin siya ng tubig na agad naman niyang tinanggap at ininom.
"I'm fine now, thank you, Cean." aniya at lumapit sa kan'yang kama para umupo.
"Anyways, how's your date with Alon? Something wild came up?" Ngumisi ito sa akin dahilan para pamulahan ako ng pisngi.
Agad akong umiling dahil ang init-init talaga ng pisngi ko dahil sa tanong niya! Anong wild ba ang tinutukoy niya?
"Ang bastos ng bibig mo, Felice!" Bumusangot ako kaya humalakhak ito.
She arched up her brow and wiggled it while looking at me.
"Ang Oceane namin ay hindi na inosente. Alam na ang ibig kong sabihin!"
Inirapan ko siya at nang maalala ang itatanong ko ay agad din akong nagsalita.
"Have you visited a doctor? Your vomiting symptoms doesn't stop." Napuno muli ng pag-aalala ang aking puso. Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin sa akin.
"I'll visit a doctor tomorrow, Cean. Can you come with me?" aniya kaya agad naman akong tumango. Wala namang kaso sa akin kung sasamahan ko sa doktor si Felice. Mas mabuti nga na alam ko ang resulta ng check up niya para hindi na ako mag-alala pa sa kan'ya e.
"Of course. I'll come with you tomorrow."
"Thank you, Cean." aniya at niyakap ako kaya napangiti naman ako at niyakap din siya pabalik.
Nang magtanghali ay lumabas na rin ako ng girl's dormitory kasabay si Felice. Katatapos lang din kasi namin mag-ayos para sa unang period ng klase. Naghiwalay lamang kami nang pumunta na kami sa kanya-kanyang building.
Kalahati pa lamang ang estudyante sa loob ng silid nang makapasok ako. Nakasalubong ko pa ang mga babaeng may gusto kay Alon at talagang matalim ang tingin ng mga ito sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin at naupo na lamang sa upuan ko.
Hindi kalaunan ay dumating na rin ang prof namin para sa subject na 'yon. I remained listening on his every discussion. Paminsan-minsan naman ay nagsusulat ako sa kwadernong nakapatong sa aking lamesa para sa mga importanteng detalye.
"That's all for today, class. Don't forget your projects. The deadline will be on Thursday," anito at agad na nag-ayos ng mga gamit sa kan'yang table at lumabas ng klase.
Napahinga ako ng malalim. Ang bilis nga lang talaga lumipas ng oras kapag hindi mo ito binibigyang pansin o kaya naman ay abala ka sa isang bagay.
Lumabas na ako ng classroom at naabutan ko si Alon na nakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata at magkakrus ang mga braso sa harapan ng kan'yang dibdib. My boyfriend is undeniably handsome and hot. I smiled at the thought. My boyfriend, huh? It feels good to say that aloud. Even sounds good.
"Hey, baby." Pang-aasar ko kaya agad itong napadilat at dumapo ang nakakalunod niyang mga mata sa direksyon ko.
Agad na umangat ang kilay nito sa akin habang may sinusupil na ngiti sa kan'yang mapupulang mga labi.
"Baby, huh? So you don't like Babub?" aniya at kinuha ang bag na nakasukbit sa aking balikat para siya ang magbuhat nito.
"Sweet mo naman. Anong nakain mo?" tanong ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
