"Felicity!"
Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Felicity is here! Agad ko siyang pinuntahan para sugurin ng yakap. Yana is running behind me too.
"Felice!" Natutuwang sigaw ni Yana.
"Oceane! Yana!" Ani Felicity at niyakap kaming dalawa ni Yana nang makalapit. It's been so long since we part ways! Nag-aral kasi ito sa Maynila simula no'ng lumuwas ang kan'yang ina sa hindi malamang dahilan. Tsaka guro na ngayon sa isang sikat at pribadong unibersidad ang ina ni Felicity.
"Na-miss ko kayong dalawa!" Makikita mong nagpipigil ng luha ang huli dahil nasa hindi kalayuang likod pa rin namin ang magpi-pinsan.
"Sinong kasama mo umuwi rito? Alam na ba ito ng Tatay mo?" Sunod-sunod kong tanong.
"Hindi alam ni Tatay na uuwi ako ngayon. Pumunta talaga ako dahil katulad ko, graduate na rin kayo ni Yana..." aniya.
"Tsaka ako lang ang bumyahe mag-isa. Alam ko naman na ang daan at mga dapat sakyan papunta rito." dagdag niya pa kaya tumango nalang ako at ngumiti ng malawak sa kan'ya.
Napakasaya ko ngayon. Umuwi na si Felicity! It's been so long since we've saw her and now she's here. At bukod pa ro'n, may hindi ako matukoy na pakiramdam. I'm also happy about something.
Unconsciously, I looked at Alon's direction. Abala ito sa pakikipagusap sa kan'yang pinsan na si Agamemnon. When I was third year, kinaiiritahan ko silang mag-pinsan. Adonis and him. Pagkatapos kasi nang nangyari sa talon, hindi ako nakapagpasalamat sa pagligtas ni Adonis kay Yana. And when summer arrives, napag-alaman kong lumuwas sila ng Maynila.
"Halika! Nasa bahay sila dahil may handaan kami ni Yana." anyaya ko sa kan'ya. Sumunod siya sa amin ni Yana at gano'n na lang ang pagtataka ko ng bigla siyang napahinto.
"Felice?"
Sinundan ko ang tinitignan niya. Nakatingin siya sa direksyon ng magpi-pinsan. Alon is staring at us while the other two is busy talking to each other now. Napakunot ang aking noo at bumalik ang tingin kay Felicity. Her cheeks is burning red! Anong nangyayari?
"Hoy, ayos ka lang ba?" tanong ni Yana sa kan'ya. Agad itong bumaling sa'min at paulit-ulit na kumurap na tila ba natauhan.
"U-Uh..." she trailed off and looked at the those three cousins again. H'wag mo sabihin sa'kin na nabihag na rin siya ng mga magpi-pinsang ito sa unang tingin pa lang?!
"Love at first sight?" panunudyo ni Yana na mas lalong ikinapula ng huli. Umiling ito.
"No, uhm. Shit!" Hinawakan nito ang namumulang pisngi.
"Felicity Grayce Valencia?" Narinig naming ang boses ni Agamemnon.
"Kilala mo si Felice?" Kunot ang noong tanong ko sa kan'ya habang magkasalubong ang aking mga kilay.
Tumango ito.
"Yes. She's the same grade as you and Yana. We're schoolmates. I know her because she won the pageant of Grade 10. She's kind of famous." Napakamot ito sa batok habang may ngisi sa mga labi.
Umarko ang aking kilay. I pursed my lips because of what he said and looked at Felicity na ngayon ay mas pula pa sa kamatis ang itsura!
"Hmm. I don't think so it's love at first sight, Yana..." Ngumisi ako.
"Shut up, Cean!" anito na nakapagpatawa sa'kin ng malakas. Halata namang may gusto siya kay Agamemnon. Mukhang kilala niya rin ang lalaki. Gaya nga ng sinabi ni Agamemnon, they're schoolmates. Oh, well.
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
DragosteForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.