Chapter 16

791 17 0
                                        


Playlist: Falling by Harry Styles.

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa sobrang tindi ng pagkirot nito nang magising ako kinabukasan. Napabuga ako ng marahas na hangin.

"Hinding-hindi na talaga ako iinom kung ganito pala ang hangover na sinasabi nila," I groaned in so much pain before hopping out of my bed. 

Napatingin ako sa kama ni Felicity at nakitang wala ro'n ang dalaga. Nasaan naman kaya 'yon? Hindi ba siya umuwi kagabi? Hindi ba kami magkasama?

Muli akong naupo sa kama habang hawak ang sentido na patuloy sa pagkirot. I tried so hard to remember who bring me home last night. Naaalala kong nasa side street ako nang marinig ko ang boses ni Harvey.

"Looks like it's Harvey..." Napapikit ako at tumingin sa side table ng aking kama. May isang pack ng pain reliver doon kaya kinuha ko 'yon at nagpunta sa mini refrigerator para kumuha ng tubig.

Kumpleto rito sa gamit si Felicity kaya hindi ko na kailangan gumastos pa. Sinabi kasi niya sa'kin na tinatamad siyang magpunta sa kitchen hall para kumain kaya nagdala na siya ng mini refrigerator dito sa kwarto. Malawak naman ang aming kwarto kaya may mini kitchen din doon kung sakaling gusto namin na magluto.

Matapos i-take ang pain reliver at makainom ng tubig ay agad kong hinanap ang cellphone ko. Magpapaalam muna ako kay Kuya Renz na hindi ako makakapasok ngayon sa restaurant. Ayoko naman pumasok na mukhang sabog ang itsura. Pakiramdam ko nga ay masusuka ulit ako dahil nalalasahan ko pa rin ang alak sa aking bibig.

It took him few rings before finally picking up. Naiintindihan ko naman na baka abala ito sa restaurant lalo pa at hindi muna ako papasok ngayong araw. I feel guilty pero hindi magandang pumasok ako ro'n na akala mo ay mamamatay na. Hindi na talaga ako magpapakalasing! I swear.

"Hello, Oceane?"

"Hello po, Kuya Renz! I can't go to work for today, uhm, I have an emergency." Napapikit ako sa bahagyang pagsisinungaling. Hindi ko pwedeng sabihin na naglasing ako kagabi kaya hindi ako makakapasok ngayon!

Narinig ko ang bahagyang paghinga nito sa kabilang linya.

"It's okay, Oceane. Besides, I heard that yesterday is your graduation day? Take this day as your rest. Celebrate it." anito. Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko. I feel happy at the same time guilty because I lied earlier and here he is trying to tell me that I should celebrate my graduation!

"Uhm, salamat po, Kuya Renz!"

"Walang anuman. Ibababa ko na 'to dahil nandito na naman ang fanboys mo." Narinig ko pa ang bahagya nitong pagtawa sa kabilang linya kaya napailing nalang ako.

Matapos ang tawag ay agad na akong nagtungo sa ban'yo para maligo. Dahil kahapon ang graduation ko sa Senior High ay nalalapit na naman ang summer. Sa katunayan nga ay three days nalang ang nalalabi bago mag-summer. Hindi naman ako makakauwi sa Isla dahil wala pa akong sapat na pera pamasahe.

So maybe, I'll just work for the whole summer. Siguro naman ay makakaipon na ako na sasapat para sa pamilya ko pagkatapos ng summer. Tsaka bagong karanasan na rin 'yon sa'kin.

After doing my usual routine ay agad ko ulit na hinanap ang aking telepono. Kailangan kong tawagan sila Nanay para ibalita na kahapon naganap ang graduation ko at hindi ko inaakalang mananatili rin ako sa mga estudyanteng may matataas na grado. I was so happy that I don't know how to pinpoint it.

Napatingin naman ako sa kalendaryo at agad akong nanlumo dahil malapit na rin pala ang death anniversary ni Yana. Ilang araw nalang ay death anniversary na nito. Paano ko siya madadalaw e wala pa akong sapat na pera para bumyahe? I can feel the hot liquids at the corner of my eyes. Naiiyak na naman ako sa isiping wala na siya. Oo nga at medyo naka-usad na ako at at tanggap ko na ang pagkawala niya pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na na-miss siya.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon