Chapter 2

1.3K 39 5
                                    

Laking pasasalamat ko nang biglang dumating si Yana kaya agad ko na siyang hinila paalis ng eskwelahan.

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya saakin nang makasakay kami sa loob ng tricycle.

"Bakit parang nagmamadali ka yata, Cean?" nakakunot ang noong tanong niya sa'kin.

"Nakita ko si Nuevo, Yana..." tipid kong sinabi at sapat na rin 'yon para mamilog ang kan'yang mga bibig bago humagalpak sa tawa.

"Nakita ka ba niya? Kawawa naman ang frog prince kung hindi." natatawang sabi nito. Napairap naman ako.

Nuevo is our classmate since first year. Hindi naman sa ayaw ko sa kan'ya pero ayaw ko talaga. He confessed to me when we were first years. Pero agad kong tinanggihan ang alok nito.

Akala mo kung sinong gwapo kung makapagyabang sa aming mga kaklase na kami na raw e wala naman 'yong katotohanan! Mabuti na nga lang at hindi nabalitaan ni Nanay ang tungkol doon dahil kung hindi ay malilintikan talaga ako.

Ang mayabang na Nuevo na 'yon! Dito pa rin pala siya nag-aaral. Akala ko naman ay sa Maynila na siya lumipat simula noong gumradweyt si Ate Merissa sa Senior High dito sa Esperanza De Portugal at lumuwas ng Maynila para mag-kolehiyo.

"Kung alam mo lang ang kabang naramdaman ko kanina, Yana!" asik ko sa kan'ya habang umiiling-iling. Tawa naman siya ng tawa na lalo kong ikinainis.

Nagbayad at nagpasalamat kami sa tricycle driver bago nagtungo patungong looban ng palengke para puntahan sila Nanay. Tapos naman na kaming mag-enroll kaya pwede na kaming tumulong ni Yana.

"O, 'nak! Nakabalik na pala kayo. Halika rito, tulungan mo kami ni Tita Pacita mo na magbenta nitong mga isda." ani Nanay nang mamataan kami ni Yana na papalapit. Tumango ako.

Pumwesto kami ni Yana sa gilid at nagsisisigaw gaya ng palagi naming ginagawa.

"Bili na po kayo! Preskong-presko ang mga isda namin dito! Mga bagong huli!"

May iilang tao ang pumunta sa pwesto namin para tignan at suriin ang mga isdang ibinebenta nila Nanay at Aling Pacita. Sabay kaming nagkatinginan ni Yana at napangiti. Ipinagpatuloy naman namin ang ginagawa dahil mukhang epektibo ito sapagkat mas dumarami ang mga mamimiling lumalapit sa pwesto namin para bumili.

"Aba! Kita mo nga naman, naparami ang benta natin ng dahil sa dalawang batang ito, o!" natatawang ani Aling Pacita.

Nag-apir pa kami ni Yana sa sobrang tuwa.

"Hayaan niyo, ililibre ko kayo sa karinderya ni Marilyn mamaya. Pambawi man lang sa tulong niyong dalawa!" ani Aling Pacita.

Agad na namilog ang mga mata namin ni Yana sa sobrang tuwa. Sa huling pagkakatanda ko, napakasarap ng mga pagkaing ibinebenta sa karinderya ni Ate Marilyn! May mga shake, milk tea at kung ano-ano pa itong ibinebenta. Talagang suwerte nga kami ngayon ni Yana.

Minsan lang kasi kami makatikim ng mga ganitong klaseng pagkain. Kaya talagang ipinagpapasalamat namin ito. Lubos na grasya na ito para sa'min.

"Sige po, Aling Pacita! Maraming salamat po." sagot ko.

Hindi katagalan ay may lumapit sa pwesto namin na isang magandang babae. Mukhang ka-edaran ni Nanay. Pero dahil mukhang mayaman ay nagmukha itong bata tignan. She looked sophisticated and elegant for this wet market.

"Ay, hello, Ma'am! Ano pong gusto niyong isda? Pili nalang po kayo! Presko po ang mga 'yan!" proud na sabi ni Yana na may kasama pang pagtango. Sumang-ayon ako sa sinabi niya.

Habang namimili ito ay may lumapit sa kan'yang isang gwapong lalaki na siguro ay mas matanda sa'min ni Yana ng mga dalawa o tatlong taon. Matangkad din ito at maayos ang pagkakagupit ng buhok. Gaya no'ng lalaking anak ng bagong lipat sa Los Angelito ay mestizo rin ang balat nito. Nahiya naman ang kayumangging balat namin.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon