Malaki ang tuwa ko dahil natanggap ang application ko para sa extra job. And of course, I decided to work as a waitress on the restaurant. Mas malapit lang din kasi ito sa dorm kaya kahit gabihin ako ay agad din akong makakauwi dahil hindi ko na kailangan pang bumyahe ng malayo.
First day ko ngayon sa pagtatrabaho kaya naman nae-excite ako. Only Felice knew that I'm working as a waitress kapag may bakante akong oras. Pero kapag buong araw akong walang pasok, pwede naman daw akong dumiretso rito sa restaurant ayon kay Kuya Renz, ang manager ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko ngayon.
Hindi ko rin ipinaalam kina Nanay at Tatay na magtatrabaho na ako bilang waitress. I don't want them to worry about me. Tsaka ayaw talaga ni Nanay na pagtrabahuhin ako dahil gusto niyang magpokus ako sa aking pag-aaral. But I can't just study for the whole time! Baka mabaliw ako kapag nagkataon. Hindi ko kakayanin 'yon. I love studying as much as I love ocean, before it happened.
Napabuga ako ng marahas na hininga at nakangiting pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Wala akong pasok ngayong araw kaya pwede akong magtrabaho ng buong magdamag depende nalang kung magpapalitan na ng shift.
Suot-suot ko ang isang dark gray na apron na may logo ng restaurant sa bandang kaliwang dibdib at at may suot din akong hairnet. Nagustuhan ko rin ang uniporme ng restaurant dahil bukod sa hapit ito sa slim kong katawan, maganda rin ang disenyo.
"This is your first day as a waitress, Cean, do your best!"
Lumabas na ako sa ladies restroom pagkatapos at nagtungo na sa counter para umpisahan ang aking pagtatrabaho. Malaki ang ngiti sa aking mga labi habang pinagsisilbihan ang bawat customers. Wala pa namang masamang nagaganap sa unang araw ko na agad ko namang ikinatuwa.
I was busy serving the customers when someone approached me. Batang lalaki ito na sa tantya ko ay ilang taong gulang lamang ang aking tanda. His cheeks is flaming red while scratching the back of his head. Tila ba nahihiya pa itong lumapit sa direksyon ko.
Naaninag ko naman ang tuksuhan ng ilang kasama nito sa kanilang lamesa. Ngumiti ako sa kan'ya dahil tapos ko naman nang ilapag ang lahat ng orders ng customer.
"Hi, what can I do for you?" Ngumiti ako sa kan'ya ng malawak na mas lalong ikinapula ng pisngi nito at naging mailap ang kan'yang tingin sa akin.
"Go, Jazz! Just ask Ate waitress!" ani ng kan'yang kasama na kasalakuyang nakaupo sa kanilang table.
"Ano ba 'yon?" takang tanong ko rito.
"U-Uh, Ate...Pwede po bang magpa-picture?" Nahihiyang tanong nito sa'kin. Shit. Ayoko pa namang nagpi-picture!
Bahagya akong napalunok at dahan-dahang tumango sa kan'ya dahilan para lumawak ang ngiti nito sa'kin. I can't turn him down because there are lots of customers na nakatingin sa direksyon namin! Dahil kung gagawin ko 'yon ay mapapahiya naman ang batang 'to at syempre ako rin!
After all, I don't want to make any impressions na tatatak sa mga isip nola 'no! Kahit sabihin pa na hindi naman ako permanenteng magtatrabaho rito. Nakakahiya pa rin.
Hinayaan ko siyang magpa-picture saakin. Matapos no'n ay gano'n na lamang ang gulat ko dahil sunod-sunod na lumapit sa akin ang iba pa niyang mga kasama para na rin magpa-picture. Ano bang nangyayari? Hindi naman ako artista!
"Ate, ako rin po! I love your eyes, Ate!" ani isa sa kanila.
What? So, is this because of my ocean eyes? Pero bakit dito pa? Ang daming tao! Tsaka, hindi ako sanay na nagpapa-picture sa kahit na sino!
Stress na stress ako matapos silang isa-isang magpa-picture. I never thought that I would be an instant artist here. Hindi ko talaga inakala. Pero sabagay, experience na rin 'yon para sa'kin kahit pa halos kapusin na ako ng hininga kanina dahil hindi talaga ako sanay sa mga tao! I'm antisocial. Never akong nakipaghalubilo kahit kanino noon pa man.
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.