Chapter 7

754 26 0
                                    


"Hanggang kailan ka mananatili rito, Felice?" Tanong ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa duyan na nakakabit sa dalawang nagtataasang niyog. Alas sais pa lamang ng umaga at ang mga mangingisda't tindera sa palengke ang gising para magtungo sa bayan.

Hindi namin kasama si Yana dahil tulog pa ito. Masyado kaming nagsaya kahapon dahil sa graduation day nga namin at isa pa ay dumating si Felicity mula sa Maynila.

"Mga tatlong araw lang ako rito pwedeng magtagal, Cean. Maraming projects na ipinapagawa na naman ang mga major subjects ko. Tsaka walang kasama si Mama sa Manila." sagot niya.

"Paano si Mang Berting?"

"Nag-usap na kami ni Tatay tungkol dito. Ayos lang naman daw sa kan'ya basta ba ay nag-aaral akong mabuti..." Bahagyang nililipad ng pang-umagang hangin ang aming mga buhok.

Medyo may kalamigan na ang simoy ng hangin sa Isla. Malapit na ang pagsapit ng disyembre. Nalalapit na ang pasko. Ilang pasko na rin ang dumaan na wala si Felicity kaya talagang nakakalungkot. She's one of my very best friend aside from Yana. Sabay-sabay na lumaki kaming tatlo. Mga tambay nga nga kami sa dalampasigan noong kabataan pa namin.

"Babalik ka ba rito sa pasko?" Iniiwas ko ang aking tingin mula sa kan'ya at pinanood ang kalmadong dagat. Naririnig ko rin ang mabibining ingay ng mga ibon sa Isla. This place is a paradise. Where all you can hear is the calm waves of the sea, birds chirping and unity of people living in this island.

Makikita mo talaga sa mga mukha nila ang ngiti na punong-puno ng kasiyahan. Kahit simple at mahirap ang buhay, pinipilit pa rin nilang maging matatag dahil may mga rason kung bakit kailangan natin mabuhay. To be honest, there are lots of reason to live in this cruel world. To witness how beautiful the night sky is is already a reason to live. Being one of presence with the ocean is already an enough reason to live.

Nabalot kami nang panandaliang katahimikan ni Felicity. Ang ranging naririnig lamang namin ay alon ng dagat. At maramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa aming baryo. Hindi nagtagal ay nagsalita rin siya.

"Cean, what's your dream?" she asked. Tinignan ko siya ngunit nakatingala lang siya sa langit habang may tipid na ngiti sa mga labi.

Come to think of it, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sigurado kung ano nga ba ang gusto ko sa kolehiyo. Ayoko namang magpadalos-dalos sa pagpili dahil baka kapag hindi para saakin ang kursong 'yon ay masasayang ko lang ang pera na pinaghirapan nila Nanay at Tatay.

"Hindi ko pa sigurado, Felice... Pero isa lang ang pumapasok sa isip ko. Gusto kong lagi kong nakikita ang dagat." Sagot ko sa kan'ya at ipinikit ang mga mata. Ngumiti ako habang dinadama ang lamig ng hangin sa aking balat.

Thinking of my dream in the near future brought an ecstatic feeling in my inner soul. The thought of being successful is just so overwhelming. Lalo na kapag talagang pinaghirapan mo ang isang bagay.

"You seemed happy while telling me your dream. Kung ano man 'yon, masaya ako para sa'yo, Cean." anito.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon na ang araw ng pag-alis ni Felicity. Ang tatlong magpi-pinsan ay naunang lumuwas sa Maynila. Kaya pala sila narito ay dahil nandito raw ang ama ni Agamemnon para sa isang business transaction sa Isla Portugal.

Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay ni Felicity. I can feel the corners of my eyes heating up.

"Mag-iingat ka ro'n ha! H'wag kang mag-alala. Kapag nag-kolehiyo na kami ni Yana, agad akong luluwas din sa Maynila para mag-aral sa isang unibersidad!" Sabi ko sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon