Chapter 5

1.1K 32 2
                                        




Matapos ang pangyayari sa talon, hindi ko alam kung paano ko mapasasalamatan si Adonis. Hindi ko rin alam kung dapat ko rin bang pasalamatan si Alon dahil pinigilan niya akong lapitan at sagipin si Yana sa mga oras na 'yon.

Kasalukuyan akong nag-aayos para mamaya ay isasama na lamang ako ni Tatay sa pamamalaot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang takot na naramdaman ko nang makita kong nalulunod si Yana. We didn't let anyone know about what happened. Not even her father.

Panigurado na mag-aalala talaga si Tito Vito dahil nag-iisang anak niya si Yana at wala na ang kan'yang asawa. I kind of blame myself because of what happened. Kung pinigilan ko lamang si Yana ay hindi mangyayari 'yon. Hindi sapat na salita lang ang ginawa kong pagpigil. Sa mga sandaling 'yon, alam kong hindi ko kakayanin kapag nawala si Yana. She's like a sister to me.

"Oceane!" rinig kong tawag ni Nanay.

"Bakit po, 'nay?"

"Halika rito, 'nak. Tulungan mo nga akong ilipat itong mga isda rito sa bucket." aniya kaya tumango ako at tinulungan siya. 

Maayos naming isinalansan ang mga isda sa loob ng bucket at nilagyan ng yelo sa itaas.

"Tapos ka na ba mag-ayos? Aalis na raw kayo ng Tatay mo."

"Opo, 'nay. Tapos na po ako." tipid kong tugon.

"Puntahan mo na ang Tatay mo sa pier, marahil ay hinihintay ka na no'n doon..."

Tumango ako at nagpaalam sa kan'ya. Mabilis akong nagtungo sa pier ngunit namataan ko ang mag-pinsan na nagtatawanan habang kausap si Mang Berting. Anong ginagawa nila?

Bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na ang tinig ni Tatay mula sa hindi kalayuan.

"Cean!"

Mabilis akong lumapit sa pwesto niya. Tinulungan ko siya sa pagtanggal ng lubid na nakatali sa makapal na kahoy para hindi maanod ang kan'yang bangka.

"Sigurado ka ba talagang sasama ka sa'kin? Wala ka bang assignment o ano?" panigurado ni Tatay habang inaayos namin ang lambat na gagamitin para sa panghuhuli mamaya ng isda.

"Opo, 'tay. Ayos lang po. Yung group activity lang na ginawa namin kahapon ang pinagkaabalahan ko," sagot ko rito.

Tumango ito. Namataan kami nila Mang Berting at ng ilang mangingisdang kaibigan ni Tatay. Ngumiti ako sa kanila. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa gawi ng mag-pinsan. Adonis is busy helping Mang Berting on his net while Alon's dark stares are darted to me.

Ang kulay kayumanggi niyang mga mata ay nagmistulang itim sa aking paningin dahil nakatalikod siya mula sa araw. Agad akong nailang sa klase ng pagtitig niya sa'kin. I can't stand his stares! They're too intimidating. At least, so much for me to take.

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at sumakay na sa aming bangka. Sinubukan ko na lamang na ibaling sa ibang bagay ang aking atensyon kaysa makipagtitigan kay Alon dahil ako lamang ang talo!

"Papalaot na kami, Berting!" ani Tatay kay Mang Berting. Tumango ang huli at agad na pinaandar ni Tatay ang makina ng bangka.

Kasalukuyan na kaming nasa byahe patungo sa fishing site na laging pinagtatambayan nila Tatay at ng ibang mangingisda para manghuli ng mga isda. Medyo natutuwa rin ako dahil ayon kay Nanay ay medyo malaki ang kita namin sa nagdaang mga araw. Ipinagpapasalamat ko 'yon sa panginoon dahil kahit papaano ay hindi niya kami pinababayaan.

"Ayos ka lang ba, 'nak? Parang ang lamlam tignan ng mga mata mo." Pansin ni Tatay sa'kin. Nililipad nang bahagya ang mahaba at medyo kulot kong buhok. My hair's color is like of that sunset. Naghahalong itim na may pula't kahel. Sort of ginger red hair.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon