Gano'n na lamang ang pagtataka ko dahil dinala ako ni Felice sa lugar kung saan ako noon dinala ni Harvey. Kung saan kita ang city lights sa ibaba. Hindi kaya si Harvey nga ang dahilan kung bakit ako dinala rito ni Felice?
Matagal-tagal na rin na hindi ko siya nakita. Nakaka-miss din ang lalaking 'yon. Medyo may pagtatampo nga ako dahil pinutol niya ang contact namin sa isa't isa pero naiintindihan ko naman kung bakit. He wanted to move on. He wanted to love himself more than anything else which he didn't do in the first place.
"Felice, anong ginagawa natin dito?"
Hindi niya ako sinagot at patuloy akong hinila. Napunta kami sa medyo gilid na parte ng lugar ngunit kita pa rin naman ang city lights sa ibaba.
Maya-maya pa ay gano'n na lamang ang aking gulat dahil umilaw ang buong paligid. Ngayon na naiilawan na ang lahat ay nakita ko sa gitna ang isang lamesa at may mga kandila pa! Ano 'to? Candlelight dinner?
"Felice, anong pakulo 'to?" takang tanong ko sa kan'ya ngunit wala na pala ito sa tabi ko!
"Saan pumunta ang babaeng 'yon?" Bulong ko sa sarili at dahan-dahang naglakad patungo sa lamesa.
May mga petals of roses pa akong natatapakan. Lahat ng ito ay sa lamesa patungo. Akala mo naman ay magpo-propose ang taong gumawa ng ganitong klaseng dinner.
Pinagmasdan ko ang paligid ngunit walang tao. Ako nalang ba ang mag-isa rito? Tsaka nasa'n na si Felice? How dare her leave me here alone?!
I heaved a deep sigh and sat down on the chair. Yes, may upuan din. Hindi ko alam kung papaano na-set up ang ganitong klaseng candle light dinner sa mataas na lugar na ito. Hanga rin ako sa determinasyon ng gumawa no'n dahil may kataasan ang lugar na ito. It takes time to prepare this kind of thing. The only question is, who prepared this one?
"Hey, beautiful."
Napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Alon. He's wearing a soft blue polo and a black bottom slacks. Ang gwapo niya! Mukhang pinaghandaan talaga ang nangyari ngayon. Pero ano nga ba ang meron ngayon?
"Alon! What's this?" Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kan'ya na naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko. Para siyang modelo sa isang sikat na magazine. Minsan nga masubukan kong i-suggest sa kan'ya ang pagmo-modelo. At dahil abuso ako, lahat ng magazine niya ay iuuwi ko. They're all mine.
"Can you at least greet and compliment me as well? Like, Hey, Handsome?" Inirapan niya ako. Aba, ang arte!
"Arte mo!" I told him.
Sinenyasan niya akong tumayo kaya nagtaka naman ako.
"Nakaupo na ako tapos patatayuin mo lang ulit ako? Bahala ka!" saad ko sa kan'ya.
"Come on, Babub. I want to be romantic for tonight. Alam mo naman na hindi ako romantikong tao..." Napakamot ito sa kan'yang batok.
"Syempre, alam ko! Puro formula sa science ang alam mo e!" Inungusan ko siya kaya napahalaklak ito. Tumayo na ako at lumapit siya sa direksyon ko.
Kaya naman pala niya ako pinatayo ay para ipaghugot lang ako ng upuan.
"You can now sit down, Babub." Bahagya pa itong yumukod na akala mo ay isa akong royalty.
"May payuko-yuko ka pang nalalaman. Hindi naman ako nagmula sa royal family!" Natatawa kong sinabi at naupo.
"You're more than a royal family member to me, Oceane..." aniya at naupo na rin sa kaharap kong upuan.
"Kung gano'n, ano pala?"
He looked at me deeply. It's like he's piercing through my soul. He wanted to devour me wholly. But I knew better. Gano'n lamang siya tumingin sa puntong wala ka nang ibang pagpipilian kung hindi ay hayaan ang sarili mong malunod sa kagandahan ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.