Chapter 9

973 23 1
                                        




Matapos namin maligo sa Los Angelito Falls ay agad kaming nagtungo sa High Tower na nasa Sta. Raphael. Nasa itaas ito ng rock formations. Iilang beses pa lang kami ni Yana nakakapunta ro'n dahil bukod sa wala kaming oras ay medyo nakakapagod. We're like travelers who's busy hiking on a mountain.

Pero ang pinagkaiba lamang ay hindi ito bundok. Rock formations ang inaakyatan namin kaya medyo delikado kapag nadulas ka at natusok sa mga patulis nitong anyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Dumating sila Alon at Adonis. Alon confessed to me! At ngayon ay pakiramdam ko may nagbago. He's being extra clingy to me! We're not even in a relationship yet! He's not even courting me either.

"Careful." Ani Alon habang inaalalayan ako sa pag-akyat sa isang makitid na daan. Sikat na sikat ang araw at tumatama ito sa aking balat.

Nauuna kaming maglakad ni Alon at nasa likuran namin si Yana at Adonis. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano nga ba ang ginawa nila Yana at Adonis no'ng nagpunta sila sa kabilang direksyon ng talon.

Narinig ko ang mahinang sipol ni Adonis mula sa likuran.

"Bakod agad e wala pa ngang label, Lover boy."

Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Alon na nasa tabi ko. Napailing nalang ako. Kahit kailan ay hindi ko siguro maiintindihan ang usapan ng mag-pinsang 'to e puno lang naman 'yon ng mga kalokohan.

Matalino ako pero pagdating sa nararamdaman ay aaminin kong manhid ako. Hindi ko nga napapansin na may gusto pala sa'kin si Alon. Not until he confessed to me earlier. Hindi ako sumagot kaya hinayaan niya nalang ako. Maghihintay daw siya hanggang sa matutunan ko rin daw siyang gustuhin pabalik.

Ngunit wala pa talaga sa isip ko ang magkarelasyon. Ang prioridad ko sa ngayon ay makapagtapos ng aking pag-aaral para mai-ahon sila Nanay at Tatay sa kahirapan. I want to reach my dreams and goals in life first before letting myself explore the wilderness of the world. At isa na ro'n ang pagkakaro'n ng relas'yon.

Bumalik na naman tuloy sa isipan ko ang huling sinabi ni Alon kanina. Ayaw talaga akong tantanan ng sinabi niyang 'yon! He looks hot as well while saying those. Argh!

"I wonder what it feels like to taste the ocean?"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong itugon. Wala akong mailabas na salita dahil maski ang aking bibig ay ayaw bumukas! Para akong napako sa kinalulugaran. At least napako sa loob ng mga braso niya. Argh, Oceane! Stop thinking!

Mabilis kaming nakarating sa High Tower bago mag alas tres ng hapon. Magandang pagmasdan dito ang papalubog na araw. Sunset in this place is more beautiful to look at rather than the lowlands. Cliff ang nasa ilalim sa dulo ng rock formation na 'to. Pero dagat pa rin naman ang babagsakan mo kung sakaling balak mong magpakamatay. Wala nga lang kasiguraduhan kung dagat lang talaga o untog ka agad sa bato bago ka pa mahulog sa tubig.

"Wow, pinaghandaan niyo talaga 'to 'no?" Sarkastiko kong sinabi nang makitang may dalang picnic blanket si Yana at may hawak naman na basket si Adonis.

"Syempre, date nga e." Ani Adonis. Inirapan ko siya. Pilosopo!

"Ano ka ba, Cean, ayaw mo no'n manunuod ka ng sunset na may jowa kang kasama." Bumungisngis pa si Yana. Namula ako sa sinabi niya.

Jowa? Napatingin ako sa gawi ni Alon at nakitang nakatitig na naman sa'kin ang madidilim niyang mga mata. Light brown ang kulay ng mata niya pero nagmumukhang itim kapag nakatalikod siya sa araw o kaya naman ay kapag galit siya.

"I told you to stop staring at me!" Bumusangot ako kaya pinitik niya ang noo ko. Bwiset! Ang sakit no'n, ah!

"Ilang beses ko rin bang sasabihin sa'yo na bigyan mo ako ng magandang rason bago ko iiwas ang mga mata ko sa'yo?"

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon