Chapter 12

580 22 2
                                    




Akward. Sobrang awkward ang nararamdaman ko ngayon dahil kasama namin sa iisang table si Alon. I don't even know the reason why he's here! Tsaka, paano niya kami matutunton dito e abandonadong lugar ang naging tagpuan ng selebrasyon?

I cleared my throat to ease the overflowing awkwardness between us. Oh, baka naman ako lang ang nakakaramdam nito at sa kanila ay normal lang?

"Happy Birthday." tipid niyang bati sa'kin.

"S-Salamat," utal-utal na tugon ko.

Agad nitong iniwas ang kan'yang paningin sa'kin dahilan para agad akong makaramdam ng kaunting kirot sa aking puso. Bakit siya umiwas?

Ngayong hindi siya nakatingin sa'kin ay malakas ang loob kong tumitig sa kan'ya. His back is prominent against the white polo he's wearing. Kahit nakatalikod ay masasabi mong gwapo ang itsura nito. Mga nasa six foot tall din ang lalaki.

Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito. Nakatalikod man ay sapat na para saakin. Anong nangyari sa sinabi niyang kahit kailan ay hindi niya iiwasan ang mga mata ko? Na kailangan ko muna ng rason para mapilit ko siyang umiwas?

"Hindi mo sinabi sa'kin na imbitado pala rito si Alon," bulong ni Felice sa aking tenga matapos akong sikuhin ng bahagya.

I leaned over to her ears.
"Hindi ko rin alam na nandito siya!"

Tinignan niya lang ako ng makahulugan pero hindi ko 'yon pinansin dahil nalipat ang aking atensyon kay Harvey na ngayon ay papalapit na sa lamesa naming tatlo.

"Did you enjoyed my surprise?" Nakangiti ang mapupulang labi nito. Kahit gabi ay naliliwanagan naman ito ng mga samu't-saring ilaw na ipinalibot nila sa lugar.

Ngumiti ako at tumango sa kan'ya. Naramdaman ko na naman ang muling pagtitig saakin ni Alon. My heart leap.

"Yes, thank you so much, Harvey!"

Hindi ko namalayan na sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya bigla dahilan para bahagyang matigilan ang lalaki at gano'n din ako. I heard Felicity's teasing cough. Damn!

Naiilang na humiwalay ako sa pagkakayakap sa kan'ya ngunit hinila niya ang aking braso at agad akong napasubsob sa kan'yang dibdib.

"Harvey?"

"Let's just stay like this for awhile, can we? I really like you so damn much, Marine..." anito.

Nag-init ang pisngi ko ngunit nagulat na lang ako ng makarinig kami ng kalabog mula sa aming lamesa. I turned my face and saw Alon's dark stares. Mukhang galit ang lalaki. Ngunit tumalikod ito at umalis. Naramdaman ko ang puso ko na para bang pinipiga. Bakit ako nagkakaganito?

Nawala ang atensyon ko sa lalaki ng magsalita si Harvey.

"If I ask a permission to court you, would you let me?"

Parang may humarang na bikig sa aking lalamunan dahilan para hindi ako makapagsalita. Hindi ako maka-pokus sa kaalamang galit si Alon at umalis pa ang lalaki! Tapos ngayon naman ay humihingi ng permisyon ko si Harvey para manligaw! Wala na bang mas ikakasama pa ang araw na 'to? It's my fucking birthday for pete's sake!

Huminga ako ng malalim at kumawala sa kan'yang pagkakahawak.

"Harv, I'm sorry. Pero gaya ng sinabi ko sa'yo noon, wala sa prioridad ko ang pumasok sa isang relasyon." saad ko sa kan'ya.

He was taken a back. The smile on his face faded. Pero kalaunan ay agad din itong ngumiti at tumango.

"I understand. Pero hindi pa rin ako titigil, Marine." wika nito. Nginitian ko nalang siya dahil hindi ko talaga alam ang dapat na sabihin sa kan'ya.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon