"Please, Oceane... Talk to me..."
Napahinga ako ng malalim. Wala na akong magagawa pa. Kapag nagmatigas pa ako ay wala rin itong saysay. He's just so persistent of apologizing so that we could talk!
"You don't have to apologize, Alon. We're not even together." I told him and left him still kneeling on the entrance door.
Naupo ako pabalik sa sofa. I can hear the fast beating of my heart. I don't know if I should forgive him when in fact I'm just jealous and he doesn't know anything about my feelings for him. Bakit kailangan niyang humingi ng tawad 'di ba?
Nakita ko sa peripheral version ko na naupo siya sa single couch hindi kalayuan sa pwesto ko. Mas lalong tumindi ang pagbilis ng tahip ng puso ko. Paano ko siya kakausapin? Oo, nasasaktan ako. Pero para saan ang pagiging ma-pride ko dahil wala naman kaming relasyon?
Hanggang kailan ko pa ba ipipilit na wala nga kaming relasyon? I don't have the rights to be hurt just because of this man. The man I love. I chuckled at the thought.
"Can we talk now, please?" I heard him say.
Pinatay ko ang telebisyon at napapikit ng mariin. I slightly turned my head and focused my attention to him. It's now or never.
"Yes, we can."
Nakita ko ang bahagyang pag-aliwalas ng kan'yang mukha. My heart jumped when I saw how happy he is because of what I've said. Kahit pala nasaktan ka na ng taong mahal mo basta nakikita mong masaya sila, ang hirap pa rin pala 'no? Ngayon lang ako nagmahal pero sana naman sa tamang tao.
I want to be the best version of myself when I'm with someone. Pero kung ako lang ang matututo, paano ang kapareha ko? We should both learn. Every mistakes, every regrets and every happiness. We are in this together so we should both grow up. Pero kami ni Alon? Walang kami na pwede kong panghawakan. My feelings is hidden while he only likes me. Yes, just like. Not love. Pwede pang mawala 'yon 'di ba?
"I'm really sorry about that night, Oceane... I didn't kissed her back! I even pushed Luna away from me..." He said.
Nanatili lamang akong tahimik at nakikinig. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nagsayang ng luha at hindi mapakali sa kan'yang pwesto. I've never seen him this miserable even before that I've met him. Tila ba nangangapa siya ng mga tamang salita para sabihin sa akin para lang hindi ako muling masaktan.
"Wala naman akong pakialam, Alon... Magkaibigan lang naman tayo, hindi ba?" Ngumiti ako ng malungkot sa kan'ya. Sana maramdaman mong mahal kita, Alon. I can't admit my feelings just yet. If the scenario is this much complicated, I can't.
Call me coward or what but I really just can't. Masyado pang magulo ang lahat sa pagitan natin. Siguro kapag ayos na ako tsaka na ako aamin sa'yo tungkol sa nararamdaman ko. Pero sa ngayon, ililihim ko muna ito.
I saw him gulped and slightly shook his head. Binasa pa niya ang kan'yang pang-ibabang labi at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko dahilan para agad na dumagundong ang kaba sa puso ko. Why is he taking a step closer to me?
"If only you'll let me court you, Oceane, I promise that I'll be a better boyfriend to you," Idinantay niya ang kan'yang noo sa likod ng aking mga palad.
Diretso lamang ang tingin ko sa pader sa kan'yang likuran. Nanunubig na naman ang mga mata ko. Bakit ba masyado akong emosyonal ngayon? Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito kahina dati ah!
Nate-tempt ako. Paano na ang prioridad ko na pag-aaral muna ang uunahin ko bago ang pansariling kaligayahan? Siguro naman ay ayos lang 'yon kina Nanay at Tatay, 'di ba? I know they're also looking forward to my happiness. They're wishing for my happiness more than me.
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
