"Nay, may group activity kami ngayon ng mga ka-grupo ko." Tawag ko sa atensyon ni Nanay na busy sa paglalaba ng mga damit. Katatapos ko lamang siyang tulungan ngunit dahil sa group activity namin na magaganap ay hindi ko siya matutulungan sa pagsasampay ng mga ito.
"Gano'n ba? Magtutungo ka ba ng bayan?" bumaling saakin ang kan'yang tingin.
"Hindi po, 'nay. Sila na kasi mismo ang dumayo patungo rito."
"Magkasama kayo ni Yana?" tanong pa nito.
"Opo, 'nay."
"Sige. Saan nga pala kayo gagawa ng group activity niyo? Para naman magawan ko kayo ng meryenda..." Ani Nanay ngunit agad akong umiling.
"Hindi na po kailangan, 'nay. Ililibot ko rin po kasi sila sa kabuuan ng isla dahil hindi tulad sa Isla Portugal, mas tradisyonal tignan itong Isla De Verde." tugon ko.
Bahagyang umangat ang kilay ni Nanay.
"Kung gano'n ay para saan ang dadalhin mong damit?" may pagdududa sa kan'yang mga mata na ikinatawa ko.
Hindi ko pwedeng sabihin kay Nanay na maliligo kami sa Los Angelito Falls pagkatapos ng group activity. Baka mapagalitan ako lalo pa't walang masyadong napunta sa talon na 'yon dahil nasa gitna ng gubat at natatakpan ng mga naglalakihang rock formations.
"Maliligo po kami sa dagat pagkatapos ng group activity namin, 'nay..." sabi ko.
Huminga ito ng maluwang na tila ba nabunutan ng tinik ang lalamunan at kalauna'y tumango.
"Sige. H'wag magpapagabi ha. Bukas ay kailangan mo samahan ang Tatay mo sa pamamalaot."
Nangislap sa saya ang aking mga mata. Napakatagal na rin simula noong huli akong nakasama sa pamamalaot ni Tatay upang mamingwit. Lagi kasi akong abala sa pag-aaral o 'di kaya'y sinasamahan naman si Nanay sa pagbebenta sa bayan para makarami ng kita.
"Talaga, 'nay? Sige po!" Agad na akong lumabas ng bahay para puntahan si Yana.
Isang maliit na supot ng plastic lamang ang dala ko pero sapat na para mapaglagyan ng aking damit at mga gagamitin sa group activity na aming gagawin. Strikto kasi ang guro namin sa Science sa kan'ya rin itong group activity na gagawin namin. Bawat isa ay kailangan umakto base sa ibinigay na topic at kailangan magbigay ng short description at explanation bago ipresinta.
"Illantina Floresca Velasco!" tawag ko sa buong pangalan ni Yana nang makapasok ako sa bahay nila.
Sumalubong saakin ang kan'yang ama na si Tito Vito. Mukhang hindi ito sumama sa pamamalaot nila Tatay. Sabagay, kailangan din kasi ni Tito Vito ng pahinga dahil paano na lamang si Yana kapag nagkasakit siya, 'di ba? Silang dalawa nalang ang magkasama sa buhay.
Nagmano ako sa matanda at ngumiti.
"Magandang umaga po, Tito Vito! Nasa'n po pala si Yana?" Magalang ko na tanong sa matanda.
"Nasa kwarto pa yata ang batang 'yon, hija. Puntahan mo nalang. Alam mo naman na tanghali na lagi 'yon nagigising kung hindi mo talaga gigisingin..." tumawa ang huli kaya natawa na rin ako. Kahit kailan talaga si Yana, napakatamad bumangon.
Pumasok ako sa kwarto niya. Nakabalandrang higa si Yana. Hindi maintindihan kung saan talaga ang pwesto dahil makulit talaga siya matulog. Nasa baba na ng sahig ang isang paa nito at ang isa naman ay nakapulupot sa unan habang ang ulo ay nakasubsob sa kumot.
Natatawang napailing-iling nalang ako at nilapitan siya. Niyugyog ko ang kan'yang balikat habang pilit itong ginigising.
"Hoy, bruha! Gumising ka nga! Tignan mo oh, ang gulo mo pa rin matulog!"
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
