Playlist: Just Older by Bon Jovi.
"Cean, ayos ka lang ba?"
Ilang ulit akong napakurap-kurap at napabaling ang atensyon kay Felicity. Pilit ko siyang nginitian. Hindi ko namalayang napatulala na naman ako sa kawalan.
She heaved a deep sigh. Tila na problemado ito sa mga nangyayari sa'kin. She's really worried about me.
"Cean, it's not your fault, okay? We both know that it isn't your fault. Wala man ako sa aktwal na sitwasyon, base naman sa kwento mo ay alam ko na agad na hindi mo 'yon kasalanan," Niyakap ako ni Felice.
Dalawang buwan. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong mahulog si Yana sa dagat. No one saw her body that day. Kinabukasan ay muling kaming naghanap ng katawan ni Yana pati na ang mga awtoridad ngunit wala talaga.
"Find her body! Hindi ako maniniwalang patay na ang kaibigan ko hangga't walang katawan akong nakikita!" Napayuko ako at nanghihinang napaupo sa puting buhangin ng Isla.
My heart is full of pain. Yana is like my sister. We maybe not a blood-related sisters but we're sisters in heart. Ang sakit-sakit ng puso ko. Parang gusto kong magwala. Walang tigil ako sa pag-iyak. Tuloy-tuloy lamang ang pag-agos ng mga luha ko na para bang isang gripo.
"Pasens'ya na, Ma'am, pero wala talaga kaming nakitang katawan. Siguro ay inanod na ng karagatan ang katawan ng kaibigan niyo." wika ng isang Police na kasama sa naghahanap ng katawan ni Yana.
We've been trying to find Yana's body for almost 2 and a half days. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makita ang katawan niya. Tito Vito's cries brought another pain in my heart.
Nag-iisang anak niya lang ang dalaga. Patay na ang asawa nito dahil sa trahedyang nangyari noon tapos ngayon ay ang anak naman nito ang nawala. Kasalanan ko ito. Bakit ba pakiramdam ko ay isa akong malas?
"Pasens'ya na ho, Ma'am. Pero kapag hindi pa rin namin nahanap ang bangkay sa loob ng limang araw, ititigil na namin ang operasyong ito." saad ng pulis at umalis sa aking harapan para puntahan ang iba pa nitong mga kasama.
"Anak, tahan na..." Pang-aalo ni Nanay sa'kin. Kasama naman ng mga pulis sina Alon at Adonis. They're dealing with them. Hinayaan ko nalang sila ro'n dahil pakiramdam ko ay wala na akong lakas para gumalaw at makipag-usap pa.
Hinawakan ko ang aking dibdib kung saan ang puso ko. Naninikip ito sa sobrang sakit dahilan para mahirapan ako sa paghinga.
"Nanay, ang sakit! Sobrang sakit!" Mahigpit kong hawak ang damit ko habang nakakuyom ang mga kamay ko.
Hinagkan ako ni Nanay at paulit-ulit na sinabing hindi ko kasalanan ang nangyari. Si Tatay ay kasama ni Tito Vito. Kung masakit para sa'kin na mawala si Yana, mas masakit ito para sa kan'ya. Yana is his daughter for pete's sake!
Kahit pa sabihin nilang hindi ko nga kasalanan kung anong nangyari, hindi ko pa rin mapigilang sisihin ang sarili ko. Ako ang humabol sa kan'ya nang mga panahong 'yon.
Kung hindi ko ba siya hinabol ay hindi 'yon mangyayari sa kan'ya? Pero bakit ba siya tumakbo paalis? Isa 'yon sa pinakamalaking tanong sa'kin na hanggang ngayon ay hindi ko mabigyan ng kasagutan.
If only she's here, I would know the answer but she's not here. Yana will never be here anymore. Never. Ang sakit isipin na mawalan ka ng kaibigan. Lalo pa't sabay kayong lumaki noong mga bata pa kayo.
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
