KABANATA 45 — My Bedroom
“You know what…” Pinagmasdan ni Terrence nang maigi ang aking mukha. Nasa sala pa rin kami ng aming bahay. Lumabas si tatay para raw mabigyan kami ng kaunting privacy habang siya ay makikipag-usap muna sa mga tao sa labas.
“What?” Tanong ko pabalik. Tumaas ang isang kilay ko dahil kumukunot ang noo niya sa pagtitig sa mukha ko. Parang may binabasa siya sa akin at hindi niya iyon maintindihan.
Inabot niya ang pisngi ko at pinadaanan ng hinlalaki ang ilalim ng mga mata ko.
“Kapag tinititigan kita, may…” nanliit ang mga mata niya. “May scene akong naaalala sa isip ko pero hindi malinaw. It’s like I am remembering something that happened in the past. Parang nagkita na tayo noon pero di ko lang masabi kung saan o kailan.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. I know the scene he is talking about. “Hm? Talaga?” Tanong ko.
Kung maalala ni Terrence iyon, hindi ko maipapaliwanag ang sayang mararamdaman ko. Ang nangyaring pagkikita at pag-uusap namin noon sa Formosa University ay hindi naman mahalaga sa kahit na sino sa amin. Pero ngayong minahal ko na siya, I realized how that simple happening in my life became the most memorable part of my college days. Unang pag-uusap namin iyon ni Terrence. Simpleng pag-uusap pero samu’t saring kasiyahan ang tinatamo ko sa tuwing maaalala iyon ngayon.
“Yes.” Tumagilid ang ulo niya. “You think it happened in Formosa University? Nagkita na ba tayo noon? Do you remember anything like seeing me ang talking to me? 'Coz I swear, Therese, may naaalala ako pero di ko alam kung imagination ko na lang ba 'yon o totoo pa ba dahil palagi nalang ikaw ang nasa isip ko.” Aniya.
Pinigilan ko ang ngiti. “Pick up line ba 'yan?” Pabirong tanong ko sa kanya. Umaasang mabago ko sa usapan. Ayokong pilitin niya akong sabihin sa kanya ang alam ko. I want him to remember it all by himself.
He chuckled. Tinanggal niya ang kamay sa pisngi ko at nilipat iyon sa kamay ko. “If that is how a pick up line goes, then maybe it is.” Sambit niya at dinala ang kamay ko sa kanyang mga labi.
Umangat ang mga mata ko sa orasan na nakasabit sa dingding. Mag-a-alas dies na ng gabi. “Sabi mo pupunta ka pa ng bar mo 'di ba? Baka kailangan ka na roon.” Sabi kong nginusuhan niya.
“Pinapaalis mo na ako?” Tanong niya at bumitiw sa akin.
Ako naman ang napanguso at gusto kong bawiin ang kamay niya para hawakan ulit ako. Pero kailangan ni Terrence pamunuan ang bar niya. At least he needs to spend some time with his bar. Kaunting panahon na lang ay magsasara na iyon.
“Mami-miss mo ang bar mo kapag nasa kompanya ka na ninyo. Don’t you wanna spend the night with your precious bar?” Sabi ko dahil alam kong iyon talaga ang gusto niya. Mahalaga ang bar ni Terrence para sa kanya. I saw how important it is to him.
“You are my precious one, Therese.” Huminto ako sa pag-iisip at paghinga sa kanyang binanggit.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...