Kabanata 23

1.8K 38 1
                                    

KABANATA 23 — Balat

Nagpaiwan si Iris at wala na akong nagawa kahit na gusto ko sanang magpasama sa kanya. Umalis na kasi siya bago ko pa masabi ang gusto ko. Ilang hakbang lang ang aking ginawa at nasa harap na ako ng dalawang lalaking naghihintay sa akin.

Kinuha ni Ivan ang pulsuhan ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Terrence at ang mga mata niya ay may kung anong tinitingnan sa ibaba ng mukha ko. Kinagat ko ang aking labi.

“I think we need to talk.” Ani Ivan. Napatingin ako sa kanya dahil sa pamamaraan ng pagsasalita niya. Halatang sanay na siya sa ingles. Mahina ang kanyang boses at nag-iingat na 'wag marinig ng iba.

Nagkagulo sa loob ng dibdib ko. Mga kung anuanong hayop ang nagtakbuhan sa loob niyon.

Umiwas ako ng tingin nang parehas nang nasa akin ang mga mata nila.

“Pero hindi rito. Doon tayo sa labas.” Aniya pa. Walang sinalita si Terrence binalikan ang kung anong pinagmamasdan niya kanina pa nang makaharap niya ako.

Naasiwa ako lalo na nang mapagtantong sa leeg ko siya nakatingin, sa aking kwintas.

Sabay sabay kaming naglakad palabas ng aming looban. Dito ay wala na halos mga tao. Iilan na lang na hindi naman malalapit sa amin. Karamihan kasi ay nasa loob at nakikisama sa maliit na salu-salo para sa pagbabalik ni Ivan.

Ilang segundo kaming kinain ng katahimikan nang nasa labas na kami. Medyo malayo ang distansya namin sa pasukan ng looban. Napansin ko pa ang kotse ni Terrence na nakaparada sa kabilang tawid. Nangunot ang noo ko nang makitang iyon ay ang asul niyang sasakyan. 'Yong Audi at hindi 'yong pulang Mazda. Nawala lang ang tingin ko roon nang magsalita ang may-ari ng sasakyan.

“I will apologize if I had to.” Basag ni Terrence sa katahimikan. “I am sorry if I let Therese work for me. Desperado na ako.” Pag-amin niya ngunit taas noo pa rin siya.

Sinimulan ko ang paglalaro sa aking mga daliri. Hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin. Kung paano ako magsasalita sa harap nilang dalawa. Si Ivan na inisip ang kapakanan ko kaya umuwi at si Terrence na nag-iisang dahilan kung bakit bumabaliktad ang dibdib ko sa kaba.

“You don’t have to apologize.” Sabi ni Ivan sa kanya.

Naririnig ko lang ang mga boses nila dahil nanatili akong nakayuko. Gusto kong lamunin na lang muna ako ng lupang ito upang hindi na nila maalala ang presensya ko. Wala akong maisip na sasabihin sa oras na pagsalitain na nila ako.

“But she helped me a lot, Ivan. Sinuklian ko naman iyon.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Ivan. Saglit siyang nanahimik. I am aching to look at his eyes but I can’t bring myself to do it.

Huminga si Ivan at mukhang magsasalita ngunit naunahan siya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon