KABANATA 62 — Full Time Distraction
Lumabas si Terrence ng pinto na may tuwalyang nakasampay sa leeg. Umiwas agad ako ng tingin. Kanina ay mabilisan akong nagbihis ng inabot niyang t-shirt at bagong boxer shorts sa akin. Ang sabi niya ay maliligo lang siya at ngayon ay hayan na siya, humahalimuyak sa matapang na amoy ng kung anong sabong kanyang gamit. Nasa gitna ako ng pagdedesisyon kung gusto ko ba ang amoy o ayoko.
Nilapitan niya ako at naupo sa aking tabi, sinandal niya ang ulo sa unan. "Bukas darating ang susuotin mo sa party. I hope you're willing to stay here until tomorrow night." Aniya habang mas lalong tumatabi sa akin.
Abot abot ang pagtindig ng aking mga balahibo. I am not new to these feelings. Maybe I haven't felt this before but I am still aware of this. My hormones are reacting to all his actions. To his smell and to his warmth.
Tumango ako, hindi na kayang sumagot dahil baka kung ano pang lumabas sa bibig ko.
Dumikit siya, malamig pa ang balat dahil sa bagong ligo. "Therese, sana hindi mo masamain 'to. Pero... I really really missed you. Hindi ako mapakali nung mga araw na wala ka. And then here you are, with me. Hindi ko alam kung..." Suminghap siya at nag-iwas ng tingin sa akin. "You're on my bed... I want to kiss you right now." The huskiness of his voice sent shivers down my spine.
Lumunok ako kahit kanina pa naubos ang laway ko dahil lang sa mga nararamdaman kong ito. Kakaiba ito sa mga naranasan ko noon. It's like I am so turned on because of him. Walang ganitong pakiramdam noon sa akin kapag nakakasama ko siya. Bigla ay sa tingin ko ay mas baliw ako sa kagustuhang maramdaman siya sa akin.
Ang paglingon ko sa kanya ay masamang desisyon. His eyes are full of desire. Like it's yearning for something it can't have. He's looking at me like I am a perfect prey to catch. Nahahawa ako sa mga tinging iyon na nagpainit sa aking mga mata. Sa tingin ko ay iyon na rin ang klase ng tingin ko sa kanya.
Hindi ko na mawari ang mga emosyong bumalot sa amin dahil bigla ay kumilos na lang mag-isa ang katawan ko. I went on top him. I straddled him. My hands are suddenly on his shoulders, gripping him so hard it's like I am never letting him go away from me. At ang labi ko... ang labi ko ay nasa ibabaw ng kanya at hinahalikan siya ng buong lakas na aking makakaya.
Suminghap siya sa gulat ngunit agaran ring tumugon. We kissed fiercely. We kissed like it's the only thing we've longed to do. We kissed like it's the end of the world and this is the last time we'd be able to do this. We kissed like our lives depend on it.
Kumalat ang init sa aking katawan nang maglakbay ang kanyang mga kamay. Bumaon iyon sa aking buhok, bumaba sa aking leeg, sa balikat, sa braso, sa aking baywang hanggang sa nasa ilalim na iyon ng aking damit. Ang dami nitong napuntahan habang ang aking ay hindi na nakaalis mula sa pagkakakapit nito sa kanyang balikat.
Nakalas niya ang nakakabit kong bra at doon lang ako bumalik sa katinuan. Humiwalay ako at tiningnan siya. His hands are on top of my breasts. Nang maramdaman niyang hindi na babalik ang labi ko sa kanya ay dumilat siya at gumaan ang hawak niya sa aking dibdib. Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan sa aking ginawa. Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at umupo na lang sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...