Kabanata 50

1.8K 40 6
                                    

KABANATA 50 — Edi 'Wag

Akala ko ay nasa FF building lang din ang ipapakita ni Ella sa akin ngunit nang dumiretso kami sa elevator at pinindot niya ang ground floor ay nagtaka na ako kung saan ang punta namin. Lumabas kami sa parking space ng building at pinatunog ni Ella ang unang itim na sasakyang nakahilera roon. Umilaw iyon at binuksan niya ang pintuan ng driver’s seat.

“Come on!” Simpleng utas niya at napasunod ako.

Pumasok ako ng kanyang kotse mabilis niyang pinaandar iyon palabas ng building. Kagat kagat ko ang aking labi dahil kahit ang kotseng ito ay hinahangaan ko dahil pag-aari ito ni Mikaella. Ngayon napagtanto kong mali yata na nalaman ko na siya ang babaeng unang minahal ni Terrence. Mali yata na nagtanong pa ako noon at hinalungkat ko pa ang nakaraan. Maybe it is my right to know about the girl but I am regretting it now. Dahil ngayong kilala ko na na siya ang babae, hinding hindi ko na maiiwasang ma-insecure. Lalo na’t katulad ni Mikaella ang minahal noon ni Terrence. Hindi siya basta bastang babae lang. Lahat ng mga positibong bagay ay nasa kanya na. Lahat ng pwede kong kainggitan ay nasa kanya. Kung sana lang ay masama ang ugali niya, baka maiwasan ko pa ang mainggit. Pero hindi eh. Isang Formosa rin ang nagmahal sa kanya at pinakasalan siya kaya siguradong espesyal na babae siya.

Nilingon ko ang hinintuan namin at halos manginig ang kalamnan ko sa nakikita. Ella’s Boutique, ang pangalan ng shop na nakasulat sa dikit dikit na paraan. Tiningala ko ang lugar nang makalabas ako ng sasakyan at sinilip ko ang loob. Doon ay makikita ang mga mannequin na nakasuot ng iba’t ibang disenyo ng bridal gown.

Napaigtad ako nang maramdaman ang kapit sa akin ni Ella. Hinila niya ako at tumunog ang bell ng shop sa pagbukas ng glass door. Isang matangkad na babae ang sumalubong sa amin at bumati kay Ella.

“Ma’am!” Aniya at tumakbo patungo sa amin.

“'Yong pinahanda ko, okay na ba?” tanong ni Ella rito nang hindi ako binibitiwan.

“Yes, Miss Ella. Nasa taas na po.” Magalang na sambit ng babae pero hindi maipagkakaila na magkaibigan ang dalawa.

Nilibot ko pa ang tingin. Sa pangalan pa lang ng shop ay alam nang kay Ella ito. Another thing that she has and I don’t. Lumunok ako at kinalimutan ang lahat ng inggit na nararamdaman ko. I should not feel this way. Hindi ko pinalaki ni tatay na naiinggit sa ibang tao. Natuto akong makuntento sa buhay at tinanggap ko kung ano lang ang meron ako. Kaya kailangan kong itapon itong lahat ng pakiramdam ko.

Hawak hawak ako ni Ella. Nagsasalita siya ng kung anu-ano pero abala ako sa panunood sa dalawang babaeng may sari-sariling ginagawang gown. Nagkakabit sila ng mga bato roon habang nakasuot ang gown sa mannequin. Sa isang banda ay ang hanay ng mga nakasabit na puting bridal gown at may ilang suit rin ng lalaki. Nang makaayat sa paikot na hagdan ay isang malaking  kwarto na napapalibutan ng pastel colors na gown ang nakita ko.

“Pasensya na, magulo. Tatlo ang kliyente ng shop for the next month at kanila lahat 'yan.” Aniya.

Tumango ako kahit na hindi ko naman gaanong maintindihan ang ginagawa nila rito. Dumiretso kami sa isang hall at may pinasok ulit kaming isa pang kwarto. Doon ay puno naman ng salamin at sa harap ay may ceiling to floor na kurtina na may hinaharangan yata sa loob.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon