Simula

9.5K 116 10
                                    

Sa simula lang ang POV ni Terrence. Girl POV po talaga ang whole story pero si Terrence muna para naman makilala niyo kahit konti ng tungkol sa kanya. :)

This is Terrence during his college days. Sa Kabanata 1, back to present na tayo. 


—-


SIMULA



"You're drunk again, Terrence? What's happening to you?!" sigaw ng tatay ko sa akin pagkapasok ko pa lang ng bahay. Mukhang kanina pa niya ako iniintay para lang sabihin ito sa akin. He's right in front of me the moment I entered the house.


Nakita ko ang mukha ko sa pader ng bahay namin na gawa sa salamin. I'm so red. Pero hindi naman ako hilo o lasing gaya ng sinasabi niya. Mas masigla pa nga ang pakiramdam ko ngayon kaysa nanghihina sa sobrang lasing.


"I'm not drunk, Pa." sagot ko at tumalikod na para matapos na ang usapan. Nakita ko si Mama na pababa ng hagdan kasunod si Kuya.


Ngumisi ako sa kanilang dalawa. Ang dalawang kakampi ko sa bahay na ito. Anong panama ni Papa sa kanila? Konting explanation lang kay Mama at sa kapatid ko, solve na 'to.


Nakakunot ang noo ni Kuya habang umiiling at si Mama naman ay maiyak iyak sa nakikita. Tinawan ko siya.


"Ma? Seriously? You're crying?" I asked her. Lumapit pa ako hanggang nasa harap na niya ako.


"Ano na naman ba kasi 'to, Terrence? Eversince you entered college you always come home drunk." Suway ni Mama sa akin sa malumanay na tono. Lumapit siya at hinaplos niya ang pisngi ko.


Niramdam ko ang maiinit niyang kamay sa akin. I love this feeling. Pero ganyan lang naman si Mama kapag alam niyang nawawala na naman ako sa sarili ko. This won't last until tomorrow.


"Nagkatuwaan lang, Ma. Hindi naman 'to gabi gabi. Last na 'to promise." Utas ko na mukhang hindi pinaniwalaan ng tatay ko.


Naglakad si Papa papunta sa harap ko.


"You better fix yourself, Terrence! Lumalaki ka ng paatras! Look at yourself! Hindi kita pinapaaral para maglasing lang gabi gabi!" sigaw niya sa mukha ko nang harapin niya ako. "God! Fisrt day of school and then this?" Dinuro niya ang mukha ko. "Sana inubos mo na lahat ng kalokohan mo nung bakasyon! It's time to be serious, Terrence Andrei!"


Nanginig ang kalamnan ko at pakiramdam ko ay nasusuka ako. I want to puke at my father's face. Pero ngumiti lang ako sa kanya. I respect him enough so I won't do what I was just thinking.


"This is called having a life, Pa. Hindi 'yong kagaya ninyo na palagi na lang sineseryoso ang lahat ng bagay sa buhay. I'm different. Deal with it." Naglakad akong muli at lumagpas sa kanya. Naiwan sila ni Mama sa aking likod at si Kuya naman ang sumunod na hinarap ko.


Hm, this won't hurt. Kahit konting pambabastos lang sa tatay ko para lumuwag ang sumisikip kong dibdib dahil sa mga panduduro niya sa akin.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon