Kabanata 53

1.5K 39 6
                                    

KABANATA 53 — Worst Thing

"I want to be honest to you, Therese." Mahinhin ngunit rinig ang kakaibang tono sa boses ni Madam Kristin.

I hate to feel this but insecurity strikes me again. Kitang kita ko sa mga mata niya na may gusto niyang sabihin na hindi ko nanaisin. Gusto kong abutin ang tubig sa harap ko ngunit kanina pa nanginginig ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nasa lugar kami kung saan una kaming nagkasamang kumain. Pareho pa rin ang dating ng lugar. Ang paligid ay sumisigaw ng karangyaang kahit kailan ay hindi ko mapapantayan. Lugar na alam kong hindi ko kinalakihan. Kaya lahat ng insekyuridad ay nararamdaman ko na naman. Lalo na't diretso ang mga mata ng nanay ni Terrence sa akin na para bang nagsasabing ako lang ang naiiba at hindi ako babagay sa kanila.

"I had your background checked." Aniya. Isang beses pa akong lumunok bago pinakinggan ang susunod na sasabihin niya. Ngunit tumahimik ulit siya at uminom ng sariling tubig. Doon ko napansin na hindi rin siya kumportable sa maaaring sasabihin niya.

Ito na ang ikinatatakot ko. I survived my jealousy with Ella and Nash. Kahit papaano ay nalalabanan ko na iyon dahil alam kong ako na ang mahal ni Terrence ngayon. They're just his past while I'm his present. But I can't say if I am also his future because here I am, talking to his mother. Pakiramdam ko ay ito na 'yong mga sikat na eksena sa telebisyon kung saan pakikiusapan ng magulang ng lalaki ang babae na layuan ang kanilang anak. Because their son deserves better. At ang katulad ko ang sisira sa pangarap nila para sa anak nila.

"You came from a poor family." Aniya.

Yumuko ako hindi dahil sa kahihiyan na mahirap ako kundi dahil wala akong lakas na makita ang panghuhusgang maaaring nasa mga mata na niya sa puntong ito.

"Don't get me wrong, Therese. Wala akong problema kung mahirap o mayaman ka. That's not a problem to me at all. My son has everything he can have. Hindi na niya kailangan ng tulong ng iba para mas mapabuti pa ang buhay niya." Utas niya. At doon lang ako muling nag-angat ng tingin. Imbes na panghuhusga, isang hindi mabasang emosyon ang nakapaskil sa kanyang mga mata. Sinuri ko siya at napagtanto kong iyon ay pag-aalala.

"But I am still worried for him." Aniya. "I learned that your father's sick. Pinapagamot mo pa siya hanggang ngayon?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako kahit na hindi ko malaman kung anong kinalaman nito sa kanyang anak. Totoong may sakit si tatay at continuous ang pag-inom niya ng mga gamot at check ups. Matagal nang ganoon si tatay at matagal ko na ring pinagtatrabahuan iyon para maiwasan ang pag-atake ng sakit niya.

"And where do you get money for that?" Tanong niyang walang bahid ng ano mang panghuhusga. Pero tinitigan ko pa rin siya sa mga mata, umaasang makita ko roon ang dahilan ng mga pagtatanong niya.

"Nagtatrabaho po ako. May ipon din po ako at nakakatulong ang sweldo ko na galing sa Fortune Fashions." Hindi ko na mailakas ang boses ko. Gusto ko nang uminom ng tubig ngunit nag-aalala akong baka imbes na dumiretso iyon sa bibig ko ay maitapon ko iyon sa nerbyos na nararamdaman ko.

"Ipon. Galing saan ang ipon mo?" Tanong niya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon