Kabanata 17

1.9K 45 3
                                    

KABANATA 17 — He’s Sorry

Hindi ako nakatulog. Pikit-mata lang ako pero gising na gising ako sa buong gabi. Gumugulo sa utak ko ang kamuntikan nang pagkabisto ng aking tinatago at ang mangyayaring pag-uusap nila Tita Nora at Ivan mamaya. Kung papayag si Ivan na makausap si Terrence, ibig sabihin ay may pagkakataong na magkaayos ang dalawa. Ang isa pang gumugulo sa utak ko, bakit ayaw kong mangyari iyon?

Naghintay pa ako ng ilang oras matapos sumikat ang araw bago ako tumayo ng kama. Hindi na talaga ako nakaramdam ng antok. Namumugto sa puyat ang mga mata ko pero gising na gising ako.

Bumaba ako at dumiretso sa aming lababo. Naghilamos ako roon at nag-toothbrush. Hindi ko alam kung nasaan sila tatay. Hindi ko siya nakita nang bumaba ako mula sa kwarto. Imbes na hanapin ay umakyat na lang ulit ako para sana magbihis ng mas maayos na damit nang makita ko ang aking cellphone sa lamesa na umiilaw.

Tinakbo ko iyon sa pag-aakalang si Terrence ang tumatawag. Pero hindi at isang hindi kilalang numero ang nakalagay roon.

“Hello?” Sagot ko.

“Ms. Therese.” Nakilala ko agad ang boses nang sumagot ito.

“Jessa! Si Mama?” agad na tanong ko. Umupo ako ng kama dahil sa pag-aalala. “Kumusta diyan?” Kahit na kahapon lang ako tumawag ay hindi ko pa rin maiwasang mangumusta dahil labis na ang pag-aalala ko. Ngayon ko lang ulit sila nakakausap.

“'Yon nga po, Ms. Therese. Inutusan po ako ni Mrs. Franco na tawagan kayo.” Malumanay ang boses ng nurse pero nahihimigan ko roon ang ngiti niya.

Napangiti na rin ako dahil nabawasan ang pag-aalala ko. “Makakausap ko siya ngayon?” Tanong ko.

Huminga ang nurse at sa tingin ko ay nginitian niya akong muli. “Opo. Ito na po siya.” Aniya at narinig ko ang pagbigay niya ng cellphone kay Mama Bea.

“Therese, anak!” Ani Mama Bea at masigla ang tono niya.

“Mama Bea, kumusta po.” Nabunutan ako ng tinik ng marinig ang kanyang boses. Ngunit hindi ko naitago ang lungkot sa aking tono.

Tumikhim si Mama. “I’m okay here, anak. How are you? Bakit ngayon mo lang naisipang tumawag?” tanong niya at alam kong nag-alala rin siya para sa akin.

Lumunok ako dahil sa konsensya. “I’m sorry, Ma. Naging busy, e.” Ngumiti ako. “Nakahanap na po ako ng trabaho.” Masayang balita ko.

Narinig ko ang ngiti ni Mama. “Aba’t mabuti naman. I was about to help you, anak. May tinawagan akong kamag-anak diyan sa Maynila. But you are not calling me. Hindi ko alam ang numero mo.” Aniya sa akin.

Kung bakit ba kasi nakalimutan kong ibigay ang numero ko sa kanila? Hindi rin naman kasi gumagamit ng cellphone si Mama Bea. Ang nurse naman ay hindi ko rin nabigyan.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon