Kabanata 42

1.8K 38 7
                                    

KABANATA 42 — Let Me Know

Itinulog ko ang biyahe namin sa eroplano. Wala naman kaming ibang ginawa ni Terrence pero pagod lang talaga ang katawan ko sa araw na ito. Siguro ay hindi pa rin ako nakaka-recover sa mga nangyari kagabi at hindi pa kumpleto ang pahinga ko dahil maaga akong nagising kanina. Pagdilat ng mga mata ko ay palapag na ang eroplano at kausap naman ni Terrence ang flight attendant. Hindi ko nakuha ang pinag-usapan nila dahil bumabawi pa ako sa pagkakatulog.

“Hey…” Ngiti sa akin ni Terrence nang makitang dilat na ako. Ngumiti rin ako sa kanya at sumandal sa balikat niya. “We’re here. Bababa tayo in just a few more minutes.” Aniya at isinukbit ang buhok sa aking tainga.

Huminga ako ng malalim sa kanyang balikat at naamoy ko ang matapang ngunit mabango niyang perfume.

Nangyari ang sinabi ni Terrence. Kaunting minuto lang ang lumipas at nasa labas na kami ng airport para puntahan ang kanyang sundo.

“Uuwi na lang ako mag-isa.” Tiningnan ko ang aking relo at nalamang alas dose imedia na. “Male-late ka na sa meeting ninyo.” Sabi ko at naalala ang papa niya kahit hindi ko naman ito kilala.

Naglinya ang bibig ni Terrence at saka umiling. “I wanna take you home first.”

Ginaya ko ang kanyang itsura at hinawakan ko ang braso niya. “I can take care of myself, Terrence. Mauna ka na.” Malambing ngunit pautos ang boses ko.

“No. Kung gusto mo sumama ka muna sa akin. Formosa Building is just thirty minutes away. Tapos ihahatid kita sa inyo.” Aniya sa tonong hindi ako maaaring tumanggi.

Huminga na lang ako ng malalim. “Osige. Hihintayin na lang kita at ihatid mo ako pagkatapos.” Salita ko at lumawak ang ngiti niya.

He really has a split-personality disorder. One of the things I love in him.

Pagkarating sa kanilang building ay nagmamadali kaming lumabas ng sasakyan. Dumiretso kami sa elevator ng parking lot. Naka itim na coat si Terrence na may t-shirt sa loob. Suot na niya ito kanina pa lang sa Palawan para naman hindi na siya magbibihis oras na narito na kami sa Manila. Pormal na ang dating niya para sa isang meeting.

Sa labas ay nakita ko kung gaano kataas ang building na ito at base sa pangalan nito ay ang mga Formosa ang may-ari ng buong building. Hindi ko alam kung ang negosyo lang nila ang makikita rito o may mga pinapaupahan din sila sa iba. Hindi ko naman magawang magtanong kay Terrence dahil nakikita ko sa mga mata niya na tense siya para sa mangyayaring presentation niya.

Hindi ko alam kung paano tumatakbo ang negosyo ng mayayaman. Ang sigurado lang ako ay malaking pera na nakukuha nila rito dahil sa lawak ng sakop ng kanilang negosyo. This is a corporation. Maraming branch at klase ng negosyo ang sakop ng pamilya ni Terrence. Bawat klase ata ay may investment sila o may ari sila. Kaya naman nang makarating sa 30th floor ng building ay hinawakan ko sa pulsuhan si Terrence at pinatingin siya sa akin.

Nakataas ang dalawang kilay niya nang balingan ako. “Good luck.” Sambit ko sa tonong magpapawala ng kaba niya. Nakikita ko na iyon sa mga mata niya at ayokong maging dahilan iyon para hindi nila makuha ang investment na binanggit niya. Sayang iyon kung sakali at umaasa sa kanya ang kanyang ama.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon