KABANATA 39 — Shit
Paniguradong nangangamatis ang mukha ko sa binigay na palakpak ng mga nakanood ng aming photoshoot ni Carl. Sinalubong ako ni Carmela at hindi kalayuan sa gilid niya ay si Nash naman na may sinusulyapan sa likod ko saka tumitingin ulit sa akin. Nakangisi ang dalawa pero mas ramdam ko ang sinseridad ng kay Nash.
“That’s wow, Therese! Kaya mo naman pala eh.” Ani Carmela sa akin at inabot ang robe na galing ata sa isang staff.
Sinuot ko iyon sa akin habang naghahanap ng tamang sagot sa papuri niya.
“Yeah. Although, I somehow don’t like the part when Carl hugged you.” Ani Nash na nasa tapat ko na rin. Nagtinginan sila ni Carmela.
“Oh, silly.” Humampas ang kamay ni Carmela sa ere. “Okay naman 'yong shot na 'yon ah?” Sabi ni Carmela.
“No, Carmela. Sino bang nag-suggest ng pose na 'yon?” Sa mga tinginan nila ay parang hindi talaga sila magkasundo ngunit pilit na kinakausap ang isa’t isa.
Nagkibit balikat si Carmela at ako mismo ay alam kung sino ang may pakana niyon. Naalala ko ang binanggit ni Carl bago niya ako hilahin sa kanya. Parehas naming nakita si Terrence noon na umirap at may sinabi siyang selosong boyfriend ito. And then he just pulled me to him. Siya ang may gawa niyon.
“Narinig mo naman si Sir Martin, Nash. He likes it. I’m sure the designers like it too.” Humalukipkip si Carmela at hindi na sumagot doon si Nash.
Hinanap ng mga mata ko si Terrence na kausap pa rin si Ella roon sa ilalim ng tent at nagtatawanan sila. Hindi ako makatingin ng diretso at hiyang hiya ako dahil siguradong nakita niya ang pose namin na iyon ni Carl. Ayaw niya iyon, sigurado ako. Nalaman ko na ito noon pang unang makita niya kaming magkasama. Noon pa lang ay dineklara na niya ang pag-aari niya at gustong gusto ko ang ginawa niyang iyon at nainis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapanindigan at masunod ang kagustuhan niya. Hindi maiiwasan sa trabahong ito na magkasama kaming dalawa ni Carl.
Nang tuluyang makalapit ay gusto ko na siyang ayain para makausap na sarilihan. I think I have to explain myself. Pero masyado silang occupied ni Ella sa kanilang pag-uusap na hindi nila ako napansin.
“That’s a good joke, Mikaella!” Humalakhak si Terrence. “Ang sakit sa tiyan!” Hinimas ni Terrence ang tiyan niya habang humihilig ang likod niya sa kakatawa. “God, I missed our conversations. Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito.” Ani Terrence.
Binasa ko ang nanuyot kong labi. Lumikot ang mata ko kung saan saan at hindi ko maintindihan ang ilang na nararamdaman ko. I already decided to leave when Ella catched my eye. Bumilog ang mata niya at ngumiti ng malawak. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin.
“Hey! You’re good in there, Therese!” Bati niya at niyakap ako. Mas lalo akong nailang. Sa likod niya ay nakita ko ang titig ni Terrence at pagkawala ng maliwanag na ngiti niya. Parang may gumuho sa akin dahil ako ang dahilan ng pagkawala niyon.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...