KABANATA 59 — Heal
Humingi ako ng saklolo kay Ivan na nasa harap ngunit masyado nang lunod sa kaingayan ang buong lugar at sa rami ng tao'y hindi na niya ako mapapansin sa kinatatayuan ko. Sinilip ko siyang nakapikit sa harap at nalilinawan lang ang mukha sa tuwing may dadaang ilaw sa kanya. Nakapikit siya at nalunod na rin sa musikang ginagawa niya.
Hindi ko pa tinatapunan ng tingin si Terrence ngunit sapat na ang init ng hawak niya sa aking baywang upang bigyan ako ng dahilan para malaman na hindi niya ako pakakawalan. And then I remembered why I was going to leave a while ago. Aalis na dapat ako upang puntahan at harapin siya. This is the right time to talk about us.
"Therese, please don't be mad at me." Bulong pa niya. Sapat na upang marinig ko ang boses niya na tinatabunan ng malalakas na pintig ng musika. "I want to explain myself."
Tumango ako. Naramdaman niya iyon at nang tingnan ko ang kanyang mukha ay kunot-noo niya ako tinititigan. Tila naguguluhan, natatakot, at may nais pang patunayan.
Gumapang ang kamay niya pababa ng baywang ko hanggang sa maabot niyon ang kamay ko. Halos idiin ko ang pagpikit ng aking mga mata sa antisipasyon na wala namang dahilan upang aking maramdaman. Bumitaw ako sa pakiramdam na iyon. Umigting ang kanyang panga nang dumulas ang kamay ko mula sa kanya.
Inunahan ko siya sa paglalakad. Ramdam ko ang presensya niya sa aking likod ngunit hindi na siya nangahas na hawakan o tabihan pa ako. Nang madaanan ko ang dalawang nakaitim na bouncer ay tinanguan nila ang nasa likod ko at saka pinagbuksan kami ng pinto. Dumaan ang malamig na simoy ng hangin dahilan para ilipad ang aking buhok. Hinawi ko iyon at tinabi sa ibabaw ng aking balikat.
Sa harap ng sasakyan niya ay naghintay ako sa pagdating niya.
Binuksan niya ang pinto. "Did you eat already?" Tanong niya. "Do you wanna eat first?"
Umiling ako, blangko at walang lamang ekspresyon ang aking mukha. Suminghap naman siya at nagpasensya.
Nang makaupo sa tabi ko ay hindi niya muna sinimulan ang makina ng kotse. Sa halip ay humilig siya, pinatong ang braso sa sandalan ng aking inuupuan at nilapit niya ang katawan sa akin.
Halos idikit ko ang ang mukha ko sa salamin ng bintana makalayo lang sa kanya. May sakit na gumuhit sa kanyang mukha.
"Seatbelt." Bulong niya, tila pinapaliwanag ang dahilan kung bakit malapit siya. Matapos niyang isuot ang kanya ay saka na niya pinatakbo ang sasakyan.
Tinuon ko ang mga mata sa harap at nanlaki iyon nang makita ang bag kong nakapatong doon. Nilingon ko si Terrence. "Paano napunta ang bag ko rito?" Tanong ko.
Ngumuso siya at isang beses na umirap. "Carl gave it to me." Nagbago ang malambot na tono niya kanina. "Why is your bag with him?"
Ako naman ang mga ganang umirap. "Naiwan ko 'yon kanina. Maybe he saw it and planned on giving it to me." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Ficção GeralNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...