Kabanata 33

1.9K 43 5
                                    

KABANATA 33 — Train

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Terrence habang nasa biyahe pauwi sa bahay namin. Nakahalukipkip ako at napapakagat ng labi sa inis dahil naaalala ko pa rin ang babaeng iyon na kung makadila kay Terrence akala mo ice cream siyang pagkatamis tamis.

Sinulyapan ko ang damuhong lalaking nagpadila naman. Kahit na naamin ko nang mahal ko siya, hindi pwede 'yong nakakalusot na lang siya sa mga kalokohan niya. Oo na at hindi pa ko umaamin ng mga panahong iyon pero dapat alam na niya ang limitasyon niya. He said he loves me! He should be loyal only to me!

“So, babalik ka pa sa bar?” Basag ko sa katahimikan.

Para siyang baliw kanina pa dahil mula nang sumakay kami ng sasakyan ay nakangisi lang siya.

“Uh-huh.” Tipid niyang sagot. Umirap ako sa kawalan. “Kailangan ako roon. Some of my friends are there. I need to entertain them.” Paliwanag niya.

Pinagalaw ko ang aking nguso at napairap ulit. Hindi na ako nagsalita. What should I say? Babawalan ko ba siya? Sarkastiko akong natawa sa aking isip. So that’s his way of entertaining his guests? Nagpapadila siya sa leeg?

“Kaibigan mo sila?” May himig ng panunuya sa tono ko. “What a way of entertaining them.” Bulong ko ng wala na sa sarili. Tinantsa ko siya at inalam kung narinig ba niya iyon.

“Yeah. Good friends.”

Tumango ako kahit na naiirita pa rin ako. They’re friends, huh? 'Yong babae at siya?

“Why are you asking?” tanong niya. Kahit na diretso ang tingin ko sa harap ay alam kong sumusulyap siya sa akin. Nararamdaman ko ang panaka-nakang tingin niya dahil kahit iyon lang ay tumutusok na na parang kutsilyo sa katawan ko. Ano ba 'tong epekto niya sa akin?

Nagkibit balikat na lamang ako. Akala ko ay papalipasin na niya iyon ngunit isang hagikgik ang narinig ko mula sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin nang bumaling ako.

“Did you see us?” Tanong niyang kumikislap sa amusement ang mata.

Nagtaas ako ng kilay. Ano sa tingin mo? Sinabi ko na nga kanina 'di ba? Shit! Ano ba 'to? Kami na ba para magalit at mainis ako ng ganito?

“May binanggit ka kanina na makipagdilaan na lang ako sa babae ko at makipagkagatan?” Patanong niyang sabi.

Doon pa lang ay hinihingal na ako at nanggagalaiti sa selos. Nanlaki pa ang mata ko nang padaanan niya ng daliri ang leeg niyang hindi na gaanong mapula ngayon. Bakat pa rin ang kagat pero hindi na gaanong mapula.

Lumunok ako at umiwas ng tingin nang lumingon siya sa akin. Saka ko lang napansin na huminto na kami sa lugar kung saan niya ako madalas hinihintay noon.

“It’s just a game, Therese. Wala lang 'yon…” Aniya. Labis na lambing ang pinamalas niya sa kanyang pagsasalita.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon