KABANATA 30 — Say Goodbye
I don’t care what Terrence is thinking right now. Masyadong okupado ang utak ko ng mga kinikwento ni Mama Bea habang narito kami sa hapag kainan at kumakain ng kaniyang hinanda.
“I ventured to some investments offered to me.” Kwento ni Mama Bea. “One is a furniture business na pinatayo ng kaibigan ko nung araw. It is based here in Laguna. Sa kabilang munisipalidad lang.” Aniya.
Tumango ako at sumagot matapos umisang subo ng kanin at ulam. “That’s good, Mama. At least you are trying to busy yourself in other stuffs. Hindi 'yong nandito lang po kayo sa bahay.” Sabi ko.
Ngumiti si Mama Bea at uminom ng kanyang malamig na tsaa. “I thought of that also. Hindi naman pwedeng nakakulong lang ako rito sa mansyon. I have to settle to something that is productive. Kailangan ko nang bumalik sa negosyo.” Medyo lumamlam ang boses niya at nalaman ko na agad na dahil iyon sa kalungkutan nitong mga nagdaang panahon.
She’s been locking herself for the past months dito sa bahay niya. Mula nang mamatay si Chris ay hindi ko na siya nakitang lumabas ng bahay. Wala na akong balita sa mga business niya na noon pa ay pag-aari na niya. Maybe she let someone handled it for her. Wala naman akong kilala sa mga katrabaho ni Mama kaya hindi ko alam kung sino ang mga ito.
“Pero hinay hinay lang din po, Mama. Pagod naman ang kalaban niyo diyan kung sakali. 'Wag niyo rin po sanang ilaan lahat sa negosyo ang oras niyo. Take some rest.” Payo ko na sana ay pakinggan niya.
Inabot niya ang kamay ko at mainit ang dampi ng balat niya sa akin. Isang hawak ng mabuting ina ang naramdaman ko. “That is why I want to see you, Therese. Gusto ko ang mga payo mong susundin ko.” Aniya at napangiti na lang ako roon.
She is a mother real mother to me. Wala akong ina at hindi ko na ito nakilala at ang magkaroon ng isang kagaya ni Mama Bea sa buhay ko ay isang biyaya. Sa kanya ko nakikita at nararamdaman ang pangangalaga ng isang butihing ina. Kahit kailan ay hindi niya pinaramdam sa akin na magkaiba kami ng dugo. Anak na ang turing niya sa akin at ina naman ang turing ko sa kanya.
Nahihiya talaga ako kay Mama Bea dahil ngayon ko lang siya nabisita. Magdadalawang buwan nang wala ako rito sa bahay niya at iyon din ang oras na hindi ko siya nakausap. Nito lang nang maalala kong tawagan siya. And that’s very unkind of me. Alam ko ang pinagdaanan niya dahil iyon din ang naranasan ko pero heto ako’t nakarating lang ng Maynila ay nakalimot na.
I am also mourning because of our lost but it lessen when I went back to Manila. Hindi ko akalaing sa busy ko sa pagtatrabaho ay nagawa kong hindi maisip ang pagluluksa naming dalawa.
Napasulyap ako kay Terrence. I am guilty because his one of the reasons why I was able to forget. Nakatulong iyon sa pagmu-move on ko pero ang tingin ko roon ay hindi tama.
Hindi niya ako tinitingnan habang kumakain. Hindi rin siya nagsasalita. Naipakilala ko na siya kay Mama Bea bilang kaibigan ko at iyon lang ang naging parte niya sa usapan namin. Ivan and Josef are also silent and they are just listening to our conversation.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Ficción GeneralNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...