KABANATA 16 — Kasinungalingan
Hindi mawala sa isip ko ang mukha ng asawa ni Sir Vincent Formosa. Ewan ko ba pero laman ng utak ko ang kabaitan ni Ella.
Ella… Mikaella ang naaalala kong binanggit na pangalan sa akin ni Terrence kahapon. Marahil Ella ang nickname niya. Nakatatak pa rin sa isip ko ang ngiti niya at ang kabaitang pinamalas niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla bigla ay tiningala ko ang isang tulad niya.
“Therese! 'Lika na!” tawag sa akin ni Iris na sumilip lang sa aming bukas na pintuan.
Iniwan ko sila sa labas para kunin ang pulutan na si tatay pa ang nagluto at hindi ko namalayan na natagalan na pala ako. Lumabas ako sa kanila. Dito lang kami sa tapat ng aming bahay at may tatlong mesa na pinahiram ni Mang Jing, ang tatay nila Josef.
Pinatong ko ang chicken strips. Nagluto sila Jhonel ng barbeque at sinagot nila ang softdrinks na para sa mga bawal maglasing dahil may pasok bukas.
“Bakit naman kasi ngayon ka nalibre, Therese?” tanong ni Jaydee. Tinawag din namin ang magkapatid dahil malapit na kaibigan sila. Nandito na si Josef na maaga ang uwi.
Nagkibit ako ng balikat at tumawa. Wala talaga akong masagot. Hindi ko pwedeng sabihin na day off ko dahil baka asahan nila na libre ulit ako next week sa ganitong araw din. Wala naman kasi akong pasok dahil sarado ang bar ni Terrence. Naalala ko siya at hindi napigilang isipin kung ano kayang ginagawa niya.
Nagsimula ang inuman. Mabuti at wala nang nagtanong kung bakit wala akong pasok. Tawanan ng tawanan ang aking mga pinsan. Inisa isa ko silang kausapin at mabuti kung ngayon na dahil mamaya ay siguradong lasing na sila.
“Jhonel, kumusta college?” Tanong ko. Ang alam ko ay patapos na itong si Jhonel.
“Okay naman, ate.” Ngisi niya. “Theses na ang pinagkakaabalahan. Sagot niya.
“Nauso na talaga ang trimester 'no?” Tanong ko.
Nilingon ako ni Kelly na ngumiwi. “Oo nga! Imbes na bakasyon e. Summer na summer may pasok kami.” Ngumuso siya. “Pero may two weeks vacation naman para sa mahal na araw.” Aniya at tumawa.
Lumiwanang ang aking mukha dahil sa naisip. “Talaga? Edi next week wala na kayong pasok?” tanong ko.
Tumango ang tatlo, si Jhonel, Kelly at Michelle.”
“Outing tayo?” Tanong ko sa kanila. Agad na kuminang sa tuwa ang kanilang mga mata.
“Sige ba, ate!” Anila sa masiglang tono.
Nag-apiran ang dalawang magkapatid na si Jhonel at Kelly. Sila ang pinakamatanda sa magkakapatid. Si Michelle ang pangatlo at ang busong si Trisha. Tulog na si Trisha sa mga oras na ito dahil daw may summer classes ito na pinapasukan. Nagsisilbing review iyon para sa susunod na pasukan.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...