KABANATA 56 — It's Always
Para bang babagsak ako sa panghihinang nararamdaman ko. Nabuwal ang pagkakatayo ko at suminghap ako sa kamuntikang pagbagsak sa lupa. Sinalo ako ng mga matitigas na bisig ni Terrence at sumandal ako sa katawan niya.
"What happened, Therese?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang tanong na iyon. Nagtatanong ba siya kung anong nangyari at nanghihina ako o o nagtatanong siya kung anong nangyari at nagkaganito ako, nawawalan ng tiwala sa pagmamahalan namin.
Hindi ako sumagot dahil sa kawalan ng kasiguraduhan.
Mainit na labi ang dumampi sa ibabaw ng aking ulo. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi napigilan ang panginginig ng bibig ko. Ang dalawang kamay ko ay nakakuyom sa kanyang dibdib. Lumipat sa sarili ko ang lahat ng galit. It's all on me. Ako ang may dahilan ng lahat. Gumagawa ako ng mga problema na masisisi sa kanya gayung ako naman talaga ang may kasalanan.
Nang hindi pa rin ako sumagot ay binitiwan niya ako. Naramdaman ko agad ang kakulangan nang lumayo ang katawan niya sa akin. Isang mahalagang parte ang bumawas sa pagkatao ko nang mawala ang higpit ng kanyang yakap. He's been a part of me and I am incomplete without him. Ngunit hindi ko na pinilit ang makumpletong muli. Hindi ko na hiniling na yakapin niya akong muli. Parehas naming pinanood ang isa't isa. Ako, nanghihina at may galit na nararamdaman sa sarili. Habang siya naman ay may pagtataka at hinanakit sa mga mata.
"H-hindi mo ako maiintindihan..." Umalon ang boses ko sa kawalan ng lakas.
Marahas siyang humugot ng hininga. Iritadong iritado na ang kanyang hitsura. Hinagod niyang muli ang buhok niya na nagsimula nang gumulo dahil sa inis at pagpipigil niya.
"Paano kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin kung anong nangyayari?" Tanong niya. Mahinahon ang boses. Sa tingin ko ay gusto na niyang sumabog. At kung mananatili ako sa mga kababawang ito ay baka hindi na niya kayang mapigilan pa ang sarili.
"What, Therese? Sino bang may problema sa ating dalawa?" Tanong niya.
Ako. Gusto kong sagutin. Pero natatakot at nahihiya akong umamin.
"Bakit biglang ganito? Kahapon lang ang ayos ayos nating dalawa. You called me and you were telling me how much you love me. What happened after, Therese? Ano bang nangyari sa bahay ninyo? Why did you bring clothes with you? Why were you crying when you left home?" Maraming tanong niya na lahat ay alam ko ang sagot.
Pero paano ko sasabihin sa kanyang ako ang problema rito at ang mga insekyuridad ko sa aking sarili? Na nagseselos ako kayla Ella at Nash nang walang dahilan? Na parati kong kinukumpara ang sarili ko sa kanila. Na kaya ko pinapaulit ulit na sabihin sa kanyang mahal ko siya ay para mapatunayan ko sa kanyang ako lang ang babaeng tanging magpaparamdam niyon sa kanya?
Ano na lang ang sasabihin niya sa akin? Siguradong mababawasan lang ang pagtingin niya sa akin. Ang isang Terrence Formosa ay nagmamahal ng isang babaeng puno ng pangamba sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...