Kabanata 60

1.7K 50 4
                                    


KABANATA 60 — Terror



Hindi na nagtanong si tatay ng pinanggalingan ko dahil alam na niya ang sagot. Sinilip niya ang aking likod at naghintay ng susunod sa akin. Bumalik ang mga mata niya sa akin nang walang ibang taong pumasok sa bahay.


"Nanggaling ka kayla Terrence? Hinatid ka ba niya?" Tanong niya.


Hindi ko na kailangan magsinungaling. Malalaman din naman ni tatay mula sa mga tao sa labas na dumating ang sakay ng taxi. Umiling ako at hilaw ang ngiti. "Hindi po. Kailangan siya ng maaga sa trabaho." Sabi ko sa napiling dahilan na paniniwalaan niya.


Tumango siya at tinanggap na agad ang sagot. "Kumain ka na?"


"Opo." Naglakad ako hanggang sa nasa hagdanan na ako. "Magbibihis lang po ako, 'tay. Hindi ako pwedeng ma-late sa trabaho." Iyon lang at umakyat na ako.


Sa Fortune Fashions ay lumimot ako at sumunod sa lahat ng pinag-uutos ng aming instructor. Dalawa na sila ngayon, isang bakla at iyong babaeng matagal nang nagtuturo sa amin. Si Miss Pitchie ang nakatoka sa mga lalaki habang si Momon, ang pakilala niya sa amin, ang nagtuturo sa aming mga babae. Mabuti na lang at mabait siya at palatawa kaya hindi kami gaanong napapagod sa mga pinag-uutos niya. Isa isa niya kaming pinagsasabihan sa maayos na paraan sa tuwing may mali kaming magagawa.


Sa kabilang banda, ganoon pa rin ang ugali ni Miss Pitchie. Paminsan minsan ay mapapasulyap kaming mga babae sa mga kalalakihan kapag sisigaw ito dahil lang sa hindi tuwid ang tayo ng lalaking pinapagalitan niya. Sa huli ay wala pa namang nagkakainitan ng ulo at nanatiling mapagpasensya ang bawat isa.


Lumapit ako sa mas malaking bag na dala ko. Mas matindi ang rehearsals ngayon dahil isang linggo na lang ang fashion event. Nagdala na tuloy ako ng dalawa pang extra'ng damit at mineral water. Mabilis akong mapagod kahit simpleng paglalakad lang ang aking ginagawa. Paulit ulit din kasi iyon at kapag may nagkamali ay sisimulan sa simula.


"Buti pa 'yong inyo mabait." Ani Carl sa aking tabi. Parehas kaming umupo sa malapit na couch.


Tumaas ang gilid ng aking labi. "Akala ko sanay ka na. Ilang taon ka na ring nagmomodelo ah." Sagot kong nanunuya.


Nagkibit balikat siya. Nangingiti habang tinitingnan ang bag ko. "Naiwan mo 'yong bag mo kahapon. I tried to chase you but you were running real fast to ride the taxi. Kaya kay Terrence... ko na lang inabot."


Marahil napansin niya ang pagngiwi ko sa pangalan kaya bumagal ang pagsasalita niya. Tinagilid niya ang katawan upang mas maharap ako at iniwas ko lang ang aking mukha.


Nakangiti na ako nang tumingin ulit sa kanya. "Nakuha ko kagabi. Inabot ni... inabot niya sa akin." Tinanguan lamang niya ang sinabi ko, may kakaibang tingin ang kanyang mga mata. Hindi na siya nagsalita pagkatapos niyon.


Kanina, habang papunta ako ng Fortune Fashions building, pinag-iisipan ko ang nalalapit na pagkawala ng aking trabaho. That will be a week from now. Sapat ang makukuha kong sweldo at talent fee para sa event na iyon ngunit kulang pa rin iyon para sa mga susunod pang buwan ng pagpapagamot ni tatay. Kailangan kong maghanap ng trabahong malaki ang kita at iyong pang matagalan.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon