KABANATA 18 — Wala Akong Pakealam
Sinuklian ko ang mararahan niyang halik. Ngunit natigil ako nang bumitaw siya at inulit ang kanyang sinabi.
“I’m sorry, Therese.” Aniya at naramdaman ko pa sa aking labi ang kanya nang magsalita siya. Ilalapat niya iyong muli sa akin nang itulak ko siya ng malakas.
Gulat siya nang mabalik sa pwesto at ako ay mariing tinitigan. Kitang kita ko! Sa mga mata pa lang niya ay nababasa ko na kung anong naramdaman niya rito. He’s sorry. Humihingi ng tawad ang mga mata niya sa kanyang ginawa.
Tinaas ko ang kamay sa aking labi at hinawakan iyon habang kagat kagat. Pinanood niya ako habang ako rin ang titig sa kanyang mukha.
Nag-init ang aking mga mata ngunit magunaw man ang mundo pero hindi ako iiyak sa harap niya. At anong dahilan ng aking pag-iyak?
Umiwas ako ng tingin. Iyon ang tangi kong nagawa. Nakadampi pa rin ang aking daliri sa labi habang nakatingin sa labas ng aking bintana.
Narinig ko ang pagkawala ng mabigat ng hinga ni Terrence bago niya pinagana ang makina ng kotse. Wala akong nagawa kundi makiramdam sa kanya habang kami ay umaandar na. Hindi ko na siya muling matingnan.
This is bad. Really, really bad, Therese. Sa halik niyang iyon, isang damdamin ang nabuhay sa aking puso. Isang damdamin na para lang dapat sa isang tao. Nararamdaman ko ito para kay Terrence. At ang pakiramdam na iyon ay nakakatakot at hindi ko magawang iwasan.
Ang tanging solusyon na naisip ko ngayon upang ang damdamin ay patayin ay ang umiwas mismo sa taong nagpaparamdaman niyon sa akin.
Bumaba agad ako ng kotse nang pumarada kami sa labas ng Bermuda. Marami na agad ang mga taong pumapasok dito. Nakikita ko ang iba’t ibang magagarang sasakyan na nakatigil sa malawak na paradahan dito.
Nagtuloy tuloy ako hanggang nasa loob na ako. Hindi ko hinayaan na mahabol ako ni Terrence. Agad akong nawala sa rami ng tao. Ibang klase ang gabi ngayon dahil Byernes at walang pasok bukas. Kaya naman mas maraming tao dito sa loob. Alam kong maiiwasan ko si Terrence sa ganitong paraan pero mamaya kapag umakyat na ako ng stage, alam na agad niya kung saan ako mahahanap. Kailangan maiwasan ko siya sa abot ng aking makakaya.
Labis ang paghuhurumentado sa aking dibdib ngunit hindi ko iyon pinansin. Nakita ko ang waiter na nakilala ko na noon.
“Rowel! Pengeng isa!” Sigaw ko sa kanya habang tinutuo ang mga baso sa tray niya. Maingay at ang magsalita sa normal na tono ay hindi niya maririnig.
Ngumiti siya at tumango. Kumuha ako sa hawak niyang tray. Maliit ang basong iyon at may lamang malinaw na likido. Ininom ko agad at napangiwi ako sa pait nito.
Ngumisi ako sa kanya at binalik sa tray ang baso. Naglakad pa ako hanggang sa nasa gitna na ako. Nakikita ko ang grupo ng mga babae’t lalaki na nakaupo sa mahahabang sofa. May iilan akong kilala sa mukha. Sila 'yong madadalas dito. Nang masulyapan ako ng isang lalaki ay tumigil ang mata nito sa akin at nginitian ako.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Художественная прозаNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...