Kabanata 35

2.1K 50 6
                                    

KABANATA 35 — Rights

 

“Kasama ka sa photoshoot na gagawin sa Palawan.” Ani Ella sa akin habang hawak ang isang puting papel. May mga nakasulat ata roon dahil binabasa niya ang kung anong sasabihin niya sa akin na nakasaad doon.

Nakaangat lang ang ulo ko sa kanya habang si Carmela naman ay nakangusong tinititigan ang kanyang kuko na kagagawa lang ata.

“That would be next week, Therese.” Pagpapaalam ni Ella.

Tumikhim ako at nagtanong. “Ano pong gagawin? Magsusuot ako ng gowns na gawa mo?” Tanong ko dahil naisip kong Palawan iyon at kung mga gowns ang ipo-photoshoot ay bakit sa Palawan? Hindi ba’t mga beaches ang marami roon? Beach wedding ba ang theme?

Ngumisi si Ella at natawa naman si Carmela. “No, dear.” Ani Carmela habang natatawa-tawa.

Tumingin sa kanya si Ella ng makahulugan. Nagpalipat lipat ang mata ko sa dalawa na parang ayaw magsalita ng mga impormasyon nitong photoshoot. Wala naman akong masabi dahil pareho silang mas mataas sa akin at sumusunod lang ako rito sa kanilang mga ipapagawa.

“Isa sa mga kilalang designer ang hahawak sa’yo.” Ani Ella.

“C’mon, Ella. Sabihin na natin sa kanya. You know her confidence will not improve kung itatago natin ito. Para naman ngayon pa lang ay makapaghanda na siya.” Sabi ni Carmela na akala mo ay mas superior pa sa kanyang pinagsasabihan na si Ella.

Hindi umimik si Ella.

“And I guess, kailangan pa niya itong ipaalam sa boyfriend niya. You know Terrence won’t like this. Mahaba habang usapan pa iyon.”

Bumilog ang mata sa akin ni Ella at nag-init agad ang pisngi ko dahil sa pinaalam ni Carmela. Tiningnan ko siya ng masama at tinaasan lang niya ako ng kilay. Hindi naman kami ganoon kalapit sa isa’t isa pero nagawa kong ipakita sa kanya na hindi ko nagustuhan ang kanyang pangengealam.

“Terrence? Boyfriend mo na pala si Terrence?” Tanong sa akin ni Ella. Nagtaka ako sa paraan ng pagtatanong niya.

Lumunok ako at marahang tumango. Nakita ko kung paanong nawala ang ngiti ni Ella pero agad din namang bumalik matapos ng ilang segundo.

Tiningnan niya ako ng maigi. “I know he will soon find the right girl for her.” Aniya na puno ng sinseridad. Mas lalo akong nahiya at napaglaruan ko na lang ang mga daliri ko bilang pampawala ng aking kaba.

“Yeah, 'yan din ang naisip ko, Ella. Who would think that someone like Therese can attract Terrence? Ang akala ko talaga si Nash na eh. Things really happen unexpectedly. Isipin mo na lang kung paano sila pinilit noon ni Auntie Kristin. Then now, Terrence is inlove with Therese.” Nahinto si Carmela sa pagtikhim ni Ella.

“Alam mo naman ang tungkol kay Terrence at Nash 'di ba, Therese?” Tanong niyang umaasa na ‘oo’ ang sagot ko.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon