KABANATA 43 — Nothing Matters
My heart is being ripped in two when I saw a tear fell from Terrence’s eye. Pinagmasdan ko siyang maigi sa ilalim ng liwanag ng kanyang opisina. Akala ko noon, si Terrence 'yong tipo ng lalaki na hindi patatalo sa emosyon niya. He’s got pride. He even had a hard time apologizing to Ivan before. Pero nagkamali ako. Because here he is, breaking in front of me.
“I’m sorry…” Iyon lang ang nasabi ko. Wala akong mahagilap na mga salita sa aking isipan. Tanging sakit lang ang malinaw sa akin at nararamdaman ko ito dahil nasasaktan siya. Para akong nahawa ng sakit niya at mas malala pa ang epekto nito sa akin.
Hindi niya ako tiningnan. I hate this. I hate seeing him this way. Ito na ang pinaka ayaw ko kay Terrence. Ang nakikita siyang umiiyak. Ako man o iba ang dahilan, hindi ko kakayanin. Ako na lang ang masaktan, 'wag lang siya.
“Until now, I couldn’t believe what he did. It’s what? Two years since he told us the secret. At hindi ko pa rin matanggap. I haven’t even seen the child since that day.” Sambit niya at mahina akong suminghap.
Gusto ko siyang pagalitan pero hindi ko magawa. The child has nothing to do with his father’s sin! Wala itong kinalaman doon at biktima lang ito ng pagkakamali ni Mr. Formosa at ng naging babae nito noon. Pero hindi ko magawang pagalitan si Terrence dahil wasak ang hitsura niya ngayon. All I can do right now is to listen and understand him. Nanahimik ako at naghintay pa ng mga isusunod niyang paliwanag.
“It isn’t the child’s fault, I know that. Pero hindi ko mapigilan eh. Alam kong kapag nakita ko 'yong bata, magagalit lang ulit ako sa tatay ko. I started being miserable when he told us about his other son. I am miserable even before I knew the secret. Hindi ko matanggap na niloko niya si Mama. My mother loved him so much. I’m in pain every time I see her breaking because of my father’s mistake. And there’s only him I could blame. Sinisi ko rin ang sarili ko. Dahil imbes na tulungan ko ang mama ko, mas inuna ko pa ang sarili ko.” Umiling siya sa kanyang sarili.
Nakaupo kami sa sofa ng opisina niya rito sa bar. Sinandal niya ang kanyang ulo roon at pumikit siya. “I was also breaking like my mother during those times, Therese.” Dumilat ang mga mata niya at tiningnan niya ako gamit ang naghihinagpis na mga mata. “Alam mo na kung bakit.” Aniyang wala nang sinunod pa.
Ang unang pumasok sa isipan ko ay si Nash. Pero nang tingnan ko pa ng maigi ang mga mata niya, napagtanto kong hindi si Nash ang dahilan. The other girl before Nash. The girl before me. And I am dying to know who that girl is. Pero hindi ko madala ang sarili ko sa pagtatanong tungkol sa babae. This is not the right time yet. But I can’t set aside the thought that maybe, he still loves this girl because the pain in his eyes is evident. Kung ang sakit na ito ay para roon sa babae, sampung beses na sakit ang mararamdaman ko. Kaya inisip ko na lang na ang sakit at galit sa mga mata niya ay dahil sa kasalanan ng kanyang ama.
“Nagsisi ba siya?” Wala na akong maisip na iba. Halos hinga na nga lang ang boses ko. Hindi ko pa rin mapalis sa aking isipan kung sino man ang babaeng nauna sa puso ni Terrence.
Sarkastiko ang tawa niya pero may himig pa rin ng pighati roon. “He should be. Sinabi niyang nagsisisi siya and he didn’t have any other woman after the one he got pregnant. Alam niya na nabuntis niya ang babae pero hindi niya iyon pinanagutan dahil sa pagsisisi at ayaw niyang masira ang pamilya namin. That’s what he said. Pero si Kuya Vincent, kinilala niya 'yong bata. He knew everything since the day the child was born. And he has the same reasons for not telling us about him. The child was eight when when my father recognized him.”
![](https://img.wattpad.com/cover/22472935-288-k182335.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Ficção GeralNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...