Kabanata 36

1.8K 45 2
                                    

Merry Christmas! :D

--

KABANATA 36 — Off Limits

Sa bahay ay pinag-aralan ko ang laman ng folder na binigay sa akin ni Ella noon. Lahat ng pose ng mga models ay tinitingnan ko kung paano ginagawa. Nanood na rin ako ng ilang mga videos ng mga ginagawang photoshoots sa internet. Gusto kong pagbutihan ito dahil tiwalang tiwala sila Ella sa binigay nilang trabaho para sa akin. This is not just about how I look. Hindi porket sinabi nilang maganda ako at bagay sa akin ang pagmomodelo ay sapat na iyon. Kailangan ko iyong mapatunayan sa kanila. Kaya gagawin ko ang lahat.

Isa pa ay ayaw kong ma-disappoint si Terrence. Pumayag siya at kung hindi maganda ang magiging resulta nito ay baka umayaw na iyon sa susunod. Gusto kong malaman niya na kaya ko rin ito at sisimulan ko nang mahalin ang trabahong ito. Though I still have to improve my confidence. Sobra sobra pang kumpyansa ang kailangan ko rito dahil siguradong maraming taong manunuod sa akin.

“'Tay, aalis po ako sa Linggo.” Paalam ko kay tatay. Nasa labas kaming dalawa at nakatambay roon. Katatapos lang naming magtanghalian at dahil sa init ay naisipan naming lumabas ng bahay.

Bumaling siya sa akin. “Saan ang punta mo?” tanong niya.

Ngumiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay. “May photoshoot po kami sa Palawan. May ia-advertise na bagong collection ang isang designer at ipapakita iyon sa magazine.” Balita ko sa kanya nang mga narinig ko kayla Ella nang masabi kong pumayag na si Terrence dito.

Si tatay na akala ko ay napapangiwi sa mangyayari ay lumiwanag ang mga mata. “Gusto mo ba talaga ang trabahong ito, Therese?” Tanong niya sa akin. Alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay pero sinusubukan ko.

“'Tay, gugustuhin ko po kung kinakailangan. Alam ko namang masasanay rin ako kahit na baguhan lang ako rito. Pero kailangan ko 'tong isang 'to para magkaroon na ako ng experience. Para sa’yo naman 'to, 'tay.” Sabi ko at inabot ko ang kamay niya.

Ngumiti lang siya sa akin at kitang kita ko sa mga mata niya ang pasasalamat. Alam ko, 'tay. Hindi mo na kailangan humiling dahil ako na mismo ang kikilos, ang magtatrabaho at tutulong sa’yo. Kahit ano, para sa ikabubuti ni tatay ay gagawin ko. He’s all I’ve got. Well, I also have my relatives and of course, Terrence. Pero iba pa rin si tatay sa kanilang lahat.

Kaya pinagbuti ko talaga ang training na binigay ni Carmela. Sa isang araw na pinaglaanan niya ng pagtuturo sa akin ay natutuhan ko ang tamang pagtayo ng isang model, ang pagkilos at kung anu ano pa. Sa tingin ko naman ay hindi na ito masyadong importante pero pilit niya pa ring pinapaalala sa akin. Para na nga akong nagte-training bilang isang beauty queen pero hinayaan ko na lang. Si Ella naman din kasi ang nag-utos. Siguro ay ganoon ka dedicated ang mga models ng Fortune Fashions. They are the best in the fashion industry so they also need to have the best models in town. At dahil hindi naman ako ganap na modelo, dapat akong matuto bilang isa.

“Kung ako sa’yo, mag-pack ka na ng things mo ngayon pa lang.” Ani Carmela nang tawagan niya ako.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon