Kabanata 10

2.3K 43 2
                                    

KABANATA 10 — Magtatagal

Nakakatatlong kanta na ako at nagpapahinga ako kada tapos ng isa. Kaya pala tatlong oras ang trabaho ko kahit na limang kanta lang naman ang aawitin ko. Iyon pala ay pasingit singit lang ako. Nasa crowd ako ngayon at hindi ko pa rin nakikita si Terrence mula nang iwan ko siya sa office niya kanina. Mayroon akong kausap na isang babaeng kaedad ko lang.

She’s the girl from the other night. 'Yong kung makatitig sa akin ay parang nilalait ang ako mula ulo hanggang paa.

“So, you’re a singer?” Aniya sa akin. May hawak siyang isang cocktail na pang ilan na ata niya ngayon.

Ngumiti sa kanya. “Ngayon lang ako nagkatrabago ng ganito.” Sagot ko. Hawak ko naman ang baso ng tubig na inabot sa akin ni Marx kanina. Para raw hindi mapagod ang lalamunan ko.

“Noong isang araw akala ko kung sino ka.” Tiningnan niya ang kabuuan ko. “You are more beautiful tonight. Kaya lang medyo innocent ang suot mo. You should wear something more revealing.” Ngisi niya. Para siyang fashion stylist kung makapagsalita.

Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito kasama niya. Kanina ay ang mga kaibigan niya ang kumakausap sa akin. May isang lalaki na nag-aya sa akin kanina dahil gusto daw akong makilala ng mga friends niya. Marx told me to join them. Be good to the customers daw. Kaya sumama ako. Nadatnan ko silang lima sa isang sofa at ngayon ay dalawa na lang kami nitong babaeng hindi ko pa alam ang pangalan. Nilakad naming dalawa ang counter at tumayo roon.

Ngumuso ako. Pinatong ko ang aking tubig. “Next time.” Ngisi ko na lang para matapos na ang usapan.

“Carmela.” Narinig kong may tumawag niyon na pamilyar ang boses. Umayos ako ng tayo nang makita si Terrence sa likod ng babae.

Nalaman kong siya ang tinatawag ni Terrence nang lumingon siya at yumakap dito.

“Terrence!” Humalik din ito sa pisngi ni Terrence pero wala naman siyang reaksyon doon. Parang normal na lang sa kanila.

Nilipat ko ang aking tingin sa bartender at kanina ko pa gustong humingi rito ng medyo matapang tapang na cocktail pero pinagbawalan ako ni Marx. Kakanta pa raw kasi ako. Baka ma-tipsy ako at hindi maka-perform ng maayos.

Nag-usap ang dalawa sa aking gilid at ako naman ay inabala ang sarili sa panonood sa mga tao.

“I’m here every night at ngayon ko lang ulit nakitang jam-packed ang bar mo!” tili ng babaeng tinawag na Carmela. Medyo maingay ang mabilis na beat musika kaya kailangan niyang ilakas ang boses.

Hindi ko nakita ang reaksyon ni Terrence sa sinabi nito. Siguro ay natuwa siya sa compliment.

Nanatili akong nakanguso. May naisip na akong kakantahin para mamaya. Mellow song naman para makapahinga naman ang mga tao sa kakasayaw nila. Kahit na mukhang hindi naman sila napapagod ay mas maigi ang mag-relax muna sila.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon