KABANATA 1 — Ama
“Ma!” Papunta ako ng kusina nang mapatakbo ako kay Mama nang makita ko siyang kamuntikan nang tumumba sa sahig. Nakahawak siya sa lamesa bilang suporta sa pagtumba niya.
Hinawakan ko ang braso niya at inalalayan siyang makatayo ng maayos.
“Ano pong nangyari? Ayos lang po kayo?” tanong ko sa kanya na puno ng pag-aalala. “Nahilo na naman ho ba kayo?” tanong ko pa na nginitian lang niya.
Umiling siya sa akin. “I’m okay, Therese.” Sambit niya sa akin. Napaka sopistikada pa rin niya kahit na kitang kita na ang paglalim ng mga mata niya sa kakaiyak at puyat.
Umiling din ako sa kanya. “Ma naman. Please, tama na po kasi 'yong pagpapahirap niyo sa sarili niyo.” Suway ko ngunit may galang pa rin na sabi sa kanya.
Sinubukan ko siyang akayin patungo sa malapit na upuan dito sa kanilang kusina.
“No, Therese. I deserve this. Sa lahat ng naging kasalanan ko, sa mga pagkukulang ko. Kulang pa itong hirap ko ngayon.” Aniya sa naghihinang boses. Nakaupo na siya at sinandal niya ang ulo sa sandalan ng upuan.
Naawa ako at agad na namuo ang luha sa mga mata ko. Alam ko ang pinupunto ni Mama Bea. Ayan na naman ang paninisi niya sa kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. Ibibintang na naman niya sa sarili ang paghihirap ng kanyang anak bago ito namatay. Kung paanong naghirap ito nang wala siya sa tabi nito. Alam ko ang lahat ng iyon. Saksi ako sa mga paghihirap ng anak ni Mama Bea. Pero hindi ako sang-ayon pagdating sa paninisi sa kanya. Dahil wala siyang kasalanan.
“Maupo lang po kayo diyan, Ma. Ikukuha ko kayo ng tubig.” Ani ko na lang sa kanya. Ayaw kong sagutin ang sinabi niya. Hindi rin naman kailangan. Hindi ako sang-ayon at ang tanging magagawa ko ay manahimik na lang. Dahil hindi rin naman titigil si Mama sa paninisi niya sa kanyang sarili.
Pagkakuha ko ng tubig ay inabot ko iyon sa kanya at naubos niya iyon. Dumating ang nurse na nag-aalaga kay Mama at mabuti na lamang at nandito na siya. Hindi ko na ata kayang makitang miserable na naman si Mama Bea.
“Ms. Therese, ako na pong bahala kay Mrs. Franco.” Sambit ng babaeng nurse. Siguro ay matanda lang siya ng ilang taon sa akin pero ginagalang pa rin niya ako. Hinayaan ko na lang ang pagtawag niya ng miss sa akin dahil nasanay na rin ako pati na ang mga po at opo niya.
Ngumiti ako. “Sige. Titingnan tingnan mo si Mama, ha? She’s depressed right now.” Malamlam akong napangiti. “Araw araw siyang depress. Baka makasama sa kalagayan niya.” Pakiusap ko sa nurse.
“Opo, Ms. Therese. Alam ko na po ang gagawin ko.” Yumukod ang nurse sa akin bilang galang at inalalayan na niya si Mama na ngayon ay malungkot lang akong tinitingnan.
Alam kong susuway na naman siya. Ayaw niya sa nurse niya kahit halos isang taon na siyang inaalagaan nito.
“Are you going home now, Therese? You don’t wanna stay here anymore?” sabi niya sa akin na puno ng lungkot.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...