KABANATA 28 — Galit Ako Sa'yo
Sa bawat galaw ko ay sinisigurado kong malayo ako kay Terrence. Iniiwasan ko siya at kahit sulyapan siya ay hindi ako sumusugal. I am aware that he stares and glances at me. Ang mga mata pa ba niya ang hindi ko mararamdaman? Parang nakakabit na ata sa kaluluwa ko ang mga mata niyang iyon at basang basa ko na ang mga ginagawa at iniisip niyon.
“Therese, swimming na tayo?” Tanong sa akin ni Iris. Nasa tabi niya si Jaydee na nakataas na rin ang kilay sa akin at naghihintay ng sagot.
Tiningnan ko ang aking paligid. Kung aayaw ako ay maiiwan akong mag-isa rito at magkakaroon ng tsansa si Terrence na malapitan ako.
“Sige ba!” Utas ko sa kanila.
Tinakbo naming tatlo ang pool. Ito ang pinakamalaki sa lahat ngunit kakaunti lamang ang lumalangoy rito. May sign na mula 5 feet hanggang 7 feet ang lalim nito at hindi iyon problema sa akin dahil marunong naman akong lumangoy.
Patalon na sana ako nang mapigilan ako ng tili ni Iris sa pangalan ko.
“Hep, Therese! Hubarin mo muna 'yang cover up at shorts mo!” Aniya sa akin. Siya man ay nakahubad na ang short na tanging pangharang sa pang-ibaba niya bukod sa bikini niya.
Kitang kita ang pantay niyang kutis sa kanyang suot.
Ngumiwi ako bilang sagot. “Ayoko.” Pinal na sabi ko.
Suminghap si Iris at lumapit sa akin. Pinilit niyang hubarin ang suot ko.
“Ano ba, Iris!” Tawa ko sa kanya. Nag-ingay ang tubig nang tumalon na roon si Jaydee na nainip na ata sa amin.
“Hubarin mo na 'yan at nang makalangoy ka ng maayos! Sinong nagsi-swimming nang may cover up aber?” tinuro niya ang ilang babaeng nasa loob na rin ng pool at mga panglangoy lamang ang kanilang suot. May ilang conservative at ang iba ay halos iluwa na ang kaluluwa.
Inirapan ko ang mga iyon at sumuko kay Iris na hindi ako titigilan hangga’t hindi sinusunod ang kanyang gusto.
Sinimulan kong angatin ang dulo ng suot kong cover up nang mamataan ko si Terrence sa malayo. Hindi ako sigurado sa kanyang tinitingnan pero ramdam ko ang talim sa kanyang mga mata.
Binalewala ko siya at tuluyan ko nang tinanggal ang humaharang sa dilaw na bikini top ko.
“Shorts pa!” Sigaw ni Iris sa akin. Nasa bingit na siya ng pool at patalon na.
Bumuntong hininga ako. Wala akong magagawa kundi sumunod dahil nais ko na ring lumangoy. I want to feel the ease of the cold water. Baka maiwala nito sa agos ang mga dinaramdam ko.
Nang makapaghubad ay sinabayan ko si Iris na tumalon at humampas ang mga katawan namin sa malawak na swimming pool. Humalakhak kaming dalawa sa ginawa at nagbasaan pa kahit na wala nang mababasa sa mga sarili namin. Nilangoy namin ang kabilang bahagi kung nasaan si Jaydee na kasama ang kapatid na si Josef.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Художественная прозаNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...