Kabanata 48

1.8K 39 3
                                    

SPG: Sekswal


---

KABANATA 48 — Who’s The Girl

“Saan na tayo pupunta?” Tanong ko nang hinila ako ni Terrence paalis ng garden para raw makapagpaalam na kami sa mga magulang niya at sa iba pa.

Nilingon niya ang ulo sa akin at ngumisi lang. Umismid ako sa lihim niyang mga ngiti na nagsasabing may binabalak siya at hindi niya iyon ipapaalam sa akin.

“Terrence.” Utas ko pero natahimik nang makitang masasalubong namin ang kanyang ama at ina.

“Ma, Pa, we have to go.” Diretsong sabi ni Terrence sa mga ito.

Tumaas ang kilay ni Mrs. Formosa at tiningnan ako. “Now? I thought you’ll stay here for the night?” Tanong niyang ako yata ang sasagot.

Iyon din ang akala ko. Yumuko ako para mag-isip ng tugon. “Uhm…”

“I have other plans for our night, Ma.” Napakagat ako ng labi sa tinugon ni Terrence. Napansin ko ang naglalarong ngiti sa mga labi ng kanyang ama at bigla ko na lang naisip ang lihim ng kanilang pamilya. Parang wala lang iyon at parang hindi nila pinagdaanan iyon sa hitsura nilang mag-asawa.

“Oh.” Utas ng kaniyang ina. Nagpabalik balik ang tingin ng dalawa sa amin at pakiramdam ko ay pula na ang pisngi ko sa init nito. Hindi ko mahulaan ang mga iniisip ng dalawa tungkol sa binanggit ni Terrence.

Lumapit si Nash at iyong Zac patungo sa amin na mukhang paalis na rin. Huminto sila sa gilid namin at parehong may ngiti nang magalang na kinausap ang mga magulang ni Terrence. “Tita, we’re leaving as well.” Ani Nash na nakasukbit ang kamay sa braso nung Zac. Hindi ko gaanong nakausap itong Zac at wala ako masyadong nalaman tungkol sa kanya. Ako lang din ang nagbigay kahulugan sa mga nakikita ko. Halata naman kasing may relasyon ang dalawa.

Pumaikot ang kamay ni Terrence sa aking baywang at bumagsak ang mga mata ko roon bago umangat sa kanya. Nakatingin siya kay Zac na nakatingin naman sa akin. Ngumiti ako kay Zac dahil nakangiti rin siya. I don’t know him but he’s been polite to me. He seems nice. Nang maramdaman niya siguro ang mga malalim na tingin ni Terrence sa kanya ay bumaling siya rito.

“It’s nice to meet you, Therese,” ani Zac at saka lang lumipat ang mga mata niya sa akin na galing kay Terrence. “Hindi natin nakilala ang isa’t isa ngayong gabi. That means we’ll see each other again,” aniya.

Dumiin ang palad ni Terrence sa gilid ng baywang ko at nahulaan ko na ang dahilan niyon.

Humagikgik si Nash at dinantay ang ulo sa balikat ni Zac. “Yes, Zac. Magkikita ulit tayong lahat. Dahil iimbitahan natin sila hindi ba?” Tanong ni Nash at nilingon ang mag-asawang Formosa. “Tito and Tita, I also want to invite you but I don’t think this is on the line of your interests. But I’ll take my chances.” Ngisi ni Nash. “Magbubukas ang bagong bar ni Zac.” Aniyang lumingon sa amin. “We also invite you, Terrence and Therese. Kasosyo niya ako roon. Opening will be on Saturday night.”

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon