Kabanata 7

2.6K 41 1
                                    

KABANATA 7 — Asul Na Kotse

Nagpababa ako kay Terrence sa kanto ng aming street. “Dito na lang.” Sabi ko.

“Why?” tanong niya, nakahawak ang dalawang kamay sa manibela. “Doon pa 'di ba?” tanong niya ulit ngunit huminto rin.

“Okay na ako rito. Lalakarin ko na lang. Isa pa, baka makita ka pa ni Iris at Tita Nora. Magagalit lang 'yong mga 'yon.” Sabi ko.

Ngumuso siya at saglit na tumitig sa akin. Inalis ko ang tingin sa kanya at inayos ang bag ko. Hinawakan ko na rin ang envelope ko na kanina ay nasa hita ko.

“Alright. Ayaw ko naman madagdagan ang dahilan nila para hindi ibigay ang number ni Ivan sa akin.” Aniya.

Ngumisi ako at bumaling sa kanya. “You sound like a desperate suitor. Parang nililigawan mo lang si Ivan.” Sambit kong kinalaki ng mata niya.

Umamba siyang magsasalita ngunit hindi tinuloy. Sa halip ay tinawanan niya lang ako.

“Kailangan na kasi talaga siya ng bar ko. And I’m desparately expecting your promise, Therese.” Aniya. Tinanggal niya ang isang kamay sa manibela at tumagilid sa akin.

“Promise? Hindi ako nangako. I said I’ll try to talk to them—”

“Iyon na rin 'yon.” Putol niya sa akin. “Kapag hindi mo napakausap si Ivan sa akin, I’ll surely have you to work at my bar. As a singer, of course.”

Pinanlakihan ako ng mata lalo na ng ngumisi siya. Tinawanan niya ako at umiling na lang ako sa kanya.

“Para kanina lang 'yong pagkanta ko. I’m not gonna sing at your bar every night gaya ng gusto mo.” Giit ko sa kanya. Akmang tatalikuran ko na siya para lumabas ng kotse ngunit hinawakan niya ang braso ko.

“Then get Ivan for me. Convince him to talk to me. Please.” Sumeryoso ang mga mata niya.

Nagsasawa na ako ngunit masarap pakinggan ang makiusap ang isang Terrence Formosa. Sobrang desperado na nga siya at nangangailangan. Ang pagsabi niya ng ‘please’ ay halatang hindi normal sa tulad niya. Lalo pa’t sinamahan iyon ng sinseridad. And what I just wanted to do is do what he’s asking me.

Tinitigan ko siya ng ilang saglit. Nang mapagtanto kong wala siyang balak tanggalin ang tingin sa akin ay ako na ang naunang umiwas.

“Oo na nga. Ilang beses ko bang sasabihin na kakausapin ko sila. Bukas, malalaman mo kung pumayag na sila.” Pagkasabi ko niyon ay hinawakan ko na ang pintuan. Pero humigpit lang ang hawak niya sa braso ko.

Nang tingnan ko siya ay nakatitig siya sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nakita niyang ganun na rin ang ginagawa ko kaya naman binitawan niya ako at tumikhim.

“Give me you cell number.” Aniya. “Para ako na ang tatawag sa’yo.” Binigay niya sa akin ang iphone niya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon