KABANATA 6 — Ginagamit Lang Kita
Hindi na muna ako sumalang gaya ng unang sinabi ni Terrence. Naisip kasi ni Marx na i-orient muna ako sa maliliit na bagay patungkol sa pagdi-deejay. Nakukuha ko naman ang mga sinasabi niya. Mula sa kagamitan gaya ng dj mixer at iba pang equipments ay pinakita niya sa akin kung paano ang paggamit. Tama si Marx na dapat ko munang malaman ang bawat isa sa mga iyon dahil ibang klase ang mga equipments nila kumpara sa ginamit namin ni Ivan noon. Kailangan ko pa munang sanayin ang aking sarili.
Sa tingin ko ay gabi na bago kami natapos ni Marx. Nalaman kong marami palang naka-save na mash ups sa Mac na nandito sa harap at kung ano anong pang music. Mga gawa raw ito ng kaibigan nilang DJ na minsan nang nagtanghal dito. Hindi na raw nito binawi ang mga kanta para may magamit ang bar kung sakaling walang makukuhang papalit dito.
Walang alam ang mga tao sa nangyayari rito sa harap. Busy sila sa pakikipag-inuman at kwentuhan sa mga kasama nila. Hindi naman sila ganoon karami kaya hindi pa nagkakagulo. Malawak ang bar at may mga sofa na nasa gilid. May maliliit na mesa rin at mga upuan at may malaking dance floor sa gitna. Ngunit wala pang taong nagsasayawan dahil slow instrumental songs pa lang ang umaalingawngaw sa paligid. Ang sabi ni Marx, gabi raw talaga dumadagsa ang mga tao rito at gabi rin nagsisimula ang totoong party.
“Ready ka na?” tanong ni Marx sa akin. Tumango ako sa kanya.
“I think so.” Sambit kong hindi sigurado.
Ngumisi siya. “Iparinig mo 'yan kay Terrence at siguradong magagalit 'yon sa’yo.” Aniya.
Nagsalubong ang kilay ko. “Co-owner ka ba niya?”
Tumaas ang kilay niya at maikling tumawa. “Hindi. Empleyado lang niya ako. Ako lang ang namamahala rito kapag wala siya.” Sabi niya. Nakita ko ang ilang waiter na parami na ng parami. Unti unti na rin kasing dumarami ang tao.
“Ah.” Tango ko.
“Kaibigan ko rin siya.” Dugtong niya sa sinabi na tinanguan ko lang ulit.
“Gaya ng sasabihin ni Terrence sa’yo mamaya, ayusin mo 'to Therese.” Aniya sa akin. Ngumisi siya. “Hindi ito ang normal na dami ng tao dito sa bar ng kaibigan ko. Doble o triple pa. Kaya sila isa isang nawawala ay dahil hindi na raw sila nag-e-enjoy rito.”
Ngumuso ako. Nilibot ko ang tingin sa bar at dahil hindi ko naman alam ang tunay na sitwasyon nito noon, naisip kong marami na ang mga customer na nandito ngayon. Pero kung doble o triple ang normal na mga taong dumadagsa rito, siguradong jam-packed parati at malaki ang kita ng bar na ito.
“Nangyari lahat ng iyon nung nawala ang… asawa mo?” may halong pagtatanong sa kanyang pangungusap.
Hindi ako sumagot sa kanya at blanko lang ang binigay kong ekspresyon. Ayoko sanang magsinungaling pero malalaman din naman nila iyon. Sa ngayon, kailangan ko nang isipin kung ano bang dapat kong patugtugin mamaya.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Художественная прозаNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...